DarkRushBeat wrote:Naalala ko me & former officemates "dissected" the usual Pinoy action flick...And here's what we came up with...
1. Laging mahirap ang bida
2. Laging may goofy sidekick ang bida
3. Makilala ni bida si leading lady mga 30-45 minutes into the film...
4. Magyayarian si bida & leading lady or meron song & dance number (what we call as "filler")
5. Laging mayaman ang salbahe, either nasa politics sya or businessman na gusto makuha lupain nila.
6. Kikidnapin si leading lady, gugulpihin si bida
7. Reresbak si bida & goofy sidekicks
8. Mamamatay agad mga goons
9. Bago tapusin si mister villain, bida will always say something
10. Narescue na si leading lady, then dadating na mga pulis.
Saka eto pa..Hindi nawawala ang kotseng sumasalpok sa ramp, mga samalamig na natatapon kapag sinuntok ni bida mga goons, etc etc..
hehe .. dagdagan ko and general observation to sa buong industriya hindi lang sa action films ...
- kumpleto ang breakfast ng mga mayayaman pero hindi lahat kinakain
- laging naka uniform ang mga tsimay
- madalas exterior shot ang mga bubong ng mga barong barong at squatter then flash marquee ng title
- magdadaldalan muna habang nakasandal sa pader bago magpalitan ng putok
- madalas na stake out scene sa maynila yung bandang escolta sa gabi
- ang title ng pelikula at primary soundtrack iisa lang
- isang buga ng shotgun sampung tao goons kagad ang tumba, partida hip fire pa yun
- kahit laslas na ang laman loob ng bida makukuha pa ring ubusin ang mga kalaban
- laging may third party na love interest
- ang mga mayayaman naka porma at naka make up lagi kahit nasa bahay lang
- conyo english si mayaman pero si mahirap nag tatagalog lang pero nagkakaintindihan naman
- sampal na walang buwelo
- L300 na van lagi ang gamit ng goons at ginagamit pang kidnap, pano yun lang yung van na magkabilaan ang bukasan ng pinto para mas madali nga naman
- matapobre at spoiled brat ang mga mayayaman
- lagi may salitang kastila sa dialogue ang mga mayayaman
- laging mga warehouse factory ang stage ng final encounter
- pag may sosyal na party ang mga mayayaman naka gown sila at naka suit pa
- uso din pala ang pakapalan ng kilay nung 90's and the hairspray
- ang mga mahihirap laging masaya pero ang mga mayayaman laging problemado - kesyo nakidnap ang anak o nalugi ang negosyo
- magmumura lang ng malutong pag todo galit na ang character, walang simpleng mura lang
- recycled ang sound epeks - yung tunod ng mortar at grenade launcher lagi na lang - "tsub!" sabay "tagooomm!!!"
- sa mga horror movies naman, sa gabi lagi nalabas ang mga aswang
- may naka ready nang rampa para sa mga sasakyan na sasagiin ng bida at kawawang mga tindahan na masasagaan
- naka slow mo ang mga explosion scenes tapos uulitin pa ng dalawang beses gamit ang iba't ibang anggulo
- parating may supporting character na bata
- tuwing may scene ng inuman sigurado may kasunod na bugbugan, raid o barilan yan
- chedeng ang kotse ng mga mayayaman (obviously)
- on-cue ang carrier single ng pelikula tuwing magkikita ang bida at ang love interest
- laging "you and me" against the world ang tema ng mga lab stories
... hehe wala na ko maisip