Page 5 of 28

Re: rants thread

Posted: Thu Nov 17, 2016 8:10 pm
by grayfox17
Sn@kemaru wrote:
grayfox17 wrote:
wala kami cctv dito pero iilan lang kami kaya madaling mahalata. Out of the question na rin ang kumuha ng bago, sa experience kasi namin kahit noon pa, pag kukuha ng bago bigla namang aalis kaya wala din silbi.

Madami naman kasing paraan para maalis sila, ang problema lang yung erpats ko - pinapabayaan nya lang.
ermmm... hindi ka pa ba niya ipro-promote to manage the business?
good question, i am actually waiting for the right time. Unang una hindi ko linya ang negosyo, marami pa ko kelangan matutunan PERO knowing my dad, as long na kaya pa nya sya talaga ang sasalo. I cant blame him though. May mga instances na nagoyo na sya so kelangan din talaga nya maging maingat ng husto. Sigurista kumbaga. Malaking responsibilidad ang magpatakbo ng negosyong 43yrs nang established kaya hindi basta-basta pwedeng i-handover lang, kelangan bukal sa loob nya para smooth ang transition. You could also say trust plays a big role on this.

For now, kung ano yung eksaktong utos nya sa kin yun lang ang sinusunod ko, tama na sa kin yung mga duties na pinagkatiwala nya sa kin. Kumbaga sa isang corporate setting, medyo confidential ang mga pinapagawa nya sa kin at tanging kaming dalawa lang ang nakakaalam. I do help out with manual labor from time to time pero pag may gusto ipagawa sa kin yung mga tauhan namin na pasaway, i just ignore them straight up kaya for nearly a year hindi nila ko magalaw galaw tulad ng dati na uutusan lang basta na magwalis o kung ano pa man. So now, sumasahod ako ng walang masyadong ginagawa? san ka pa di ba? :sweat: :lol:

Re: rants thread

Posted: Sun Nov 27, 2016 6:46 am
by DarkRushBeat
Peste talaga sa buhay yang videoke, lalo na when all i ever want is a peaceful night of sleep....Isipin nyo from 6 PM to 5:50 AM tumatakbo yung lintek na nirent ng mga in laws ko just for their parents' friggin golden anniversary today....No choice, i had to force my wife to find me a hotel where i can spend the night mamaya...Masakit man sa loob ko hindi ko makakatabi 2 anak ko mamaya, kaysa naman mapa away pa ko dito, masira ko pa okasyon nila at ma-brand na naman akong masamang tao...

Re: rants thread

Posted: Sun Nov 27, 2016 2:48 pm
by grayfox17
^naging problema ko din ang constant na ingay sa mga kasama ko sa bahay noong nasa SG pa ko. Lalo na pag gabi sabay sabay sila nanonood ng tfc. Ang solusyon ko, bumili ako ng earplugs hehe..basta mapasak mo ng maigi yan halos wala ka maririnig. Always kept it under my pillow kaya ayun, I slept like a baby every single night.

Re: rants thread

Posted: Mon Nov 28, 2016 5:21 am
by DarkRushBeat
Magpapagawa talaga ako ng soundproof na bahay once i win the lottery..Damn, i can no longer take this whole videoke BS anymore

Re: rants thread

Posted: Mon Nov 28, 2016 12:39 pm
by Daniel
wala man lang "shhh wag masyadong maingay. may mga natutulog na."

the usual walang pakialam na pinoy.

Re: rants thread

Posted: Mon Nov 28, 2016 12:44 pm
by grayfox17
dati ginagawa ko sa ganyan namamrangka ako. Nagtataka mga housemates ko dati bakit ang aga ko daw natutulog, as in 6pm pa lang nakahiga na ko. Sinabi ko kelangan makatulog ako ng maaga kasi ako pinaka maagang nabangon ng 5am pag pang umaga ako at tsaka inuunahan ko na kayo kasi maiingay kayo sa gabi. Atleast mabulabog man ako may nakubra na akong atleast 3-4 hours na tulog. Ayun tinamaan ng hiya ang mga lintik kaya pag gabi medyo hinihinaan na nila volume ng tv. :lol:

Re: rants thread

Posted: Mon Nov 28, 2016 3:15 pm
by DarkRushBeat
Daniel wrote:wala man lang "shhh wag masyadong maingay. may mga natutulog na."

the usual walang pakialam na pinoy.
Yeah, kaya nga sinusumpa ko, the moment meron na ko budget pampagawa ng sariling bahay, papa soundproof ko lahat, pader, ceiling, floors, etc...

Kaya ko pa matiis ingay ng TV, but videoke, hindi na...Ibang usapan na...

Re: rants thread

Posted: Mon Nov 28, 2016 4:44 pm
by grayfox17
honestly, i dont mind people singing videoke the whole day KUNG maganda boses nung kumakanta..meron dito sa min dati bumanat ng oldies ang sarap pakinggan. Lamig ng boses tapos sapul na sapul yung melody, walang sablay sa tono. :sweat:

Re: rants thread

Posted: Mon Nov 28, 2016 7:46 pm
by Sn@kemaru
Buti na lang yun kapitbahay ko dito, marami sila sa bahay, na palaging may videoke kapag may okasyon pero yun volume nila enough lang sa kanila. Maririnig namin pero not to the point na nakaka-perwisyo na. Wala pa 12midnight, stop na sila. Ika nga, may respeto sa mga kapitbahay.

Re: rants thread

Posted: Mon Nov 28, 2016 9:16 pm
by DarkRushBeat
That's the kind of neighbors i wanted...Yung nagsasaya sila pero hindi nakakalimot ng respeto sa ibang tao...Dito sa area namin wala e...All the way hanggang mamatay eh...

Re: rants thread

Posted: Mon Nov 28, 2016 10:59 pm
by SirZap
tipong hanggang 10pm pwede na. yun naman talaga ang dapat. also kung gusto nila kumanta after that time punta silas a karaoke bar

Re: rants thread

Posted: Tue Nov 29, 2016 1:27 pm
by Daniel
siguro yan yung mga tipo ng taong pag nag-drive walang pakialam kung makaabala ng ibang driver at mga pedestrian.

sila rin siguro yung mga tipo na haharang sa escalator kahit may nagsabi na "walk on left, stand on right"

mga walang pakialam e.

p___________ sila

sarap ibalibag :twisted:

Re: rants thread

Posted: Tue Nov 29, 2016 3:31 pm
by DarkRushBeat
Kahit anong gawin mo, negative pa rin ang tingin syo...You can't please anyone talaga...Until now hindi pa rin ako ganun sa paningin ng mga in laws ko...

Re: rants thread

Posted: Tue Nov 29, 2016 4:10 pm
by grayfox17
^always had this predicament at the back of my mind lalo na sa family namin. No matter how good your intentions are or even how much effort you exert, to them, it's nothing. Kelangan either tapatan mo or higitan mo ang nagawa nila para yo para lang ma-acknowledge ka nila..but then again, its not always the case.

Payo ko lang, learn on not how to give a fck na lang. Di mo naman kelangan bastusin or dedmahin totally, plastikin mo na lang. Kapag may pinapayo um-oo ka nalang then just go back to what you're going to do anyway. Kumbaga wag mo na lang i-digest yung mga opinion nila tungkol syo. If there are matters that you need to take care of, pag usapan nyong dalawa ng misis mo and as much as you can, wag na i-involve ang ibang tao for second hand opinion. One thing I learned in my life, never ever seek validation from anybody else just to prove your worth. Kung wala silang paki sa mga tulong o effort mo sa kanila then stop doing them. Never do something you're good at for free. Kung wala kang makuhang pasalamat or appreciation man lang sa ginagawa mo for them then just drop it.

In short, this can be summed up in three simple words: NOT.MY.PROBLEM

Re: rants thread

Posted: Tue Nov 29, 2016 8:10 pm
by Sn@kemaru
DarkRushBeat wrote:That's the kind of neighbors i wanted...Yung nagsasaya sila pero hindi nakakalimot ng respeto sa ibang tao...Dito sa area namin wala e...All the way hanggang mamatay eh...
Hindi ba pwede magreklamo sa baranggay anonymously? Maari rin kasi yun mga kapitbahay ay napepwerwisyo din sa videoke nila.

Re: rants thread

Posted: Wed Nov 30, 2016 5:37 am
by DarkRushBeat
^^Useless Chief, malakas sila sa baranggay & meron anak na pulis yung lintek na kamag anak ni Kumander/neighbor from hell kaya malakas ang loob....

Re: rants thread

Posted: Fri Jan 06, 2017 10:28 pm
by grayfox17
damn buyers...its really surprising on how some people can't comprehend AND follow simple instructions... :shock:

Re: rants thread

Posted: Fri Jan 06, 2017 10:52 pm
by SirZap
grayfox17 wrote:damn buyers...its really surprising on how some people can't comprehend AND follow simple instructions... :shock:
lagay mo kaya "auto-ignore if you can't follow instructions" :sweat:

Re: rants thread

Posted: Sat Jan 07, 2017 12:51 am
by grayfox17
SirZap wrote:
grayfox17 wrote:damn buyers...its really surprising on how some people can't comprehend AND follow simple instructions... :shock:
lagay mo kaya "auto-ignore if you can't follow instructions" :sweat:
i already put in something similar to that pero waley pa rin. :banghead: Buti din sana kung malapit lapit sa katotohanan yung mga offer nila pero hindi. Lakas pa ng loob mambarat, halatang mga walang alam sa retail value ng mga binibili nila. Eto hirap pag nagbebenta dito sa pinas, maraming may gusto engkaso mga wala naman pambili ampf! :fight:

Re: rants thread

Posted: Sat Jan 07, 2017 1:05 am
by SirZap
grayfox17 wrote:
SirZap wrote:
lagay mo kaya "auto-ignore if you can't follow instructions" :sweat:
i already put in something similar to that pero waley pa rin. :banghead: Buti din sana kung malapit lapit sa katotohanan yung mga offer nila pero hindi. Lakas pa ng loob mambarat, halatang mga walang alam sa retail value ng mga binibili nila. Eto hirap pag nagbebenta dito sa pinas, maraming may gusto engkaso mga wala naman pambili ampf! :fight:

dati gumawa ako sa buy and sell sections 2 looking-for-threads. yung isa may price, yung isa wala (for bidding). guess what? yung may price na thread walang nilagay na price, dun sa walang price dun naglagay ng may price. :facepalm: