Page 3 of 26

Re: Usapang Pera

Posted: Fri Jan 20, 2017 3:08 pm
by VincH
galing sa rants thread.

last year ko pa pina cancel ang cignal cable ko para sa 2 tv namin. hindi ko naman na miss ang cable. bumili na lang ako ng tv plus tutal puro news na lang ang pinapanood ko sa tv. nakatipid pa ako ng mahigit 2k monthly :)

Re: Usapang Pera

Posted: Fri Jan 20, 2017 3:17 pm
by DarkRushBeat
VincH wrote:galing sa rants thread.

last year ko pa pina cancel ang cignal cable ko para sa 2 tv namin. hindi ko naman na miss ang cable. bumili na lang ako ng tv plus tutal puro news na lang ang pinapanood ko sa tv. nakatipid pa ako ng mahigit 2k monthly :)
Eto rin isa sa pinaka maayos na naisip ko nung nag relocate ako dito sa Batangas kina Kumander...

Sanay ako sa cable sa amin sa QC pero nung narealize ko dito na hindi worth it (kasi me mga in laws akong tamad & wala ng ginawa kundi tumunganga sa TV all day & yung kuryenteng kinokunsumo nila e ako ang nagbabayad), i decided not to have any maski Cignal...Iniintay ko na lang magkaroon ng signal dito yang TV Plus & yun na lang...

@topic...Bibili rin ako alkansya para yung extra coins ko e maitabi ko pa...

Hope this helps din sa fellow PPSers naten na nag iipon ngayon...Ok na ako sa 52 week Peso Sense Challenge ko...Pero check nyo rin ito...

http://www.fhm.com.ph/be-a-better-man/m ... 8-20170105

Re: Usapang Pera

Posted: Fri Jan 20, 2017 3:23 pm
by grayfox17
^hehe...sa fhm pa talaga kumuha ng tips oh! :lol:

For your coins, wag ka na bumili ng alkansya pre, mag DIY ka na lang. Ako nga lalagyan ko lang ng barya dito sa kwarto is yung mga disposable na cannisters. Puro mamiso at 25centavos ang laman. Pag napuno na saka ko bibilangin tapos ipapa-buo ko. May pambisyo pa ko hehe...

Re: Usapang Pera

Posted: Fri Jan 20, 2017 3:31 pm
by DarkRushBeat
grayfox17 wrote:^hehe...sa fhm pa talaga kumuha ng tips oh! :lol:

For your coins, wag ka na bumili ng alkansya pre, mag DIY ka na lang. Ako nga lalagyan ko lang ng barya dito sa kwarto is yung mga disposable na cannisters. Puro mamiso at 25centavos ang laman. Pag napuno na saka ko bibilangin tapos ipapa-buo ko. May pambisyo pa ko hehe...
Gusto ko kasi yung meron lock Pre he he...Kagaya nung Spongebob Tin Can ng anak ko, yun ang ginamit ko sa ipon ko last year & pinatago ko ke Kumander yung susi...And minsan ulyanin na ko, i dont recall agad san ko naitatago mga bagay...So mas ok na sa akin yung alkansyang meron lock para talagang no temptation he he he....

In a nutshell, effective talaga yung dating ng Peso Sense Challenge sa akin na yun last year...That's why i decided to make it an annual thing for me...

Re: Usapang Pera

Posted: Fri Jan 20, 2017 11:43 pm
by grayfox17
May better option kesa sa pagtatabi lang ng barya, mag tabi ka agad ng fixed amount from your sahod every payday and di hamak mas malaki ang mabubuno mo that way. Ginawa ko dati sa abroad to, yung may auto-debit yung main account ko papunta sa sub account ko na 100SGD tapos naka set sya na mag activate on whichever day you pick. Bukod dun nag aalis din ako ng additional 200SGD papunta naman sa isa ko pang savings na balak ko i-remit. So by the end of the year malaki laki na yun.

Dito sa pinas, 70% ng sahod ko tinatabi ko agad tapos nag iiwan na lang ako ng sasakto sa expenses ko till the next payday. Worked well for me for the past 2 years. Alalay na lang sa gastusin para hindi masira ang tinabing budget. :sweat:

Re: Usapang Pera

Posted: Sat Jan 21, 2017 12:30 am
by Daniel
nung artista pa raw si chinkee tan, 80% raw ng kita nya ang naitatabi nya. :2thumbs:

naalala ko lang, kasi nabanggit mo yung % ng savings mo :D

Re: Usapang Pera

Posted: Sat Jan 21, 2017 8:30 am
by DarkRushBeat
Maganda rin yung meron "auto-debit" ka sa bank mo each month...

Re: Usapang Pera

Posted: Sat Jan 21, 2017 1:54 pm
by grayfox17
ewan ko kung meron ganyang feature ang mga bangko natin dito sa pinas kasi I never bothered to ask. Ako kasi I always setup online banking for my accounts para mamonitor ko din in real time mga debit ko lalo na when I do online transactions. Maganda rin kasing nakahanda yung online banking lalo pa na convenient ang bank transfer na lang. Ganyan gawain ko kasi sa SG, majority ng transactions ko dun cashless. Either bank transfer or swipe na lang ng card sa halos lahat ng bagay na pagkakagastusan. Nagamit lang ako ng cash pag nakain sa mga food stalls.

Since dito sa negosyo namin cash inaabot ang sahod, manual method ng pagtatabi ang ginagawa ko. Pagdating ng payday takbo agad ako sa bangko para magdeposit. And as usual, ang style ko when it comes to handling my finances is that I seldom bring my ATM with me pag lumalabas ako lalo na sa mall. Saktong cash lang. Iwas impulse buying.

Lalo ngayong Q1, daming maglalabasang magagandang games kaya medyo pinaplano ko din anong magandang bilhin - priority ko sa ngayon tekken 7 at monster hunter xx. Hold off muna ko sa switch pero yung nokia 6 medyo attractive para sa kin. :sweat: Buti na lang nakabenta ako last month ng mga gamit na hindi ko na napapakinabangan so kahit papano may budget na ko para sa mga gusto ko bilhin kasi hindi nagalaw yung pinaka ipon ko. :lol:

Re: Usapang Pera

Posted: Sat Jan 21, 2017 8:29 pm
by Daniel
merong bangko dati na nag-advertise na may service silang auto-debit. yung salary automatic made-deposit sa ibang account. dunno kung meron pa ring ganung service.

Re: Usapang Pera

Posted: Sat Jan 21, 2017 8:52 pm
by SirZap
^^Alam ko sa BPI meron.

Re: Usapang Pera

Posted: Sat Jan 21, 2017 8:56 pm
by grayfox17
Meron ako BPI dati and ang ginagawa ko is manual transfer na lang via online banking. Bale dalawang account ang naka enroll sa online banking ko: yung primary savings ko tapos another savings account for payroll. Kada pasok ng sahod transfer agad ng sahod sa primary account ko, immediate naman sya.

Binitawan ko na lang BPI accounts ko kasi feeling ko hindi secured ang online banking nila. Mukhang madaling ma-compromise.

Re: Usapang Pera

Posted: Tue Jan 24, 2017 7:34 pm
by DarkRushBeat
Saka meron maintaning balance sa BPI...Unlike my Security Bank na pwede ko imax out everytime sumasahod ako he he...

Re: Usapang Pera

Posted: Tue Jan 24, 2017 8:48 pm
by grayfox17
dati mura ang maintaining balance ng BPI pero tinaasan nila. Nung nag open ako back in 2004 nasa 3K lang pero naging 5K na daw. Tapos yung online banking nila username and password lang makakalogin ka na, walang OTP or other level ng security so pag nabiktima ka ng phishing tapos ka.

Re: Usapang Pera

Posted: Tue Jan 24, 2017 9:01 pm
by kurtsky
Sino dito naka withdraw from paypal to bdo?
May nagpadala kasi sakin hindi ko alam kung matagal bago malipat sa account ko.
May charge daw

Re: Usapang Pera

Posted: Tue Jan 24, 2017 9:20 pm
by darkwing_uop
kurtsky wrote: Tue Jan 24, 2017 9:01 pm Sino dito naka withdraw from paypal to bdo?
May nagpadala kasi sakin hindi ko alam kung matagal bago malipat sa account ko.
May charge daw
tried it before, yes, there will be charge, forgot how much was it

Re: Usapang Pera

Posted: Wed Jan 25, 2017 8:49 pm
by VincH
aabot nanaman sa P50 ang dollar.

Re: Usapang Pera

Posted: Wed Jan 25, 2017 9:51 pm
by grayfox17
hmpf, nasaid na naman yung alloted budget ko..di bale, lapit na sahod eh. As long na hindi ako bibili ng kung ano-ano this next few days i'll be fine until then. :sweat:

Re: Usapang Pera

Posted: Sun Jan 29, 2017 2:01 pm
by DarkRushBeat
Abot tenga ngiti ng mga kakilala kong homebased workers under U.S. accounts...Paano, 50.00 na yata dollar na naman...

Re: Usapang Pera

Posted: Mon Feb 06, 2017 11:10 pm
by kurtsky
Madami akong kaibigan na nahuhumaling sa Stock Market trading, ewan ko kung paano proseso ok daw na extrang kita.

Re: Usapang Pera

Posted: Sat Feb 11, 2017 9:42 am
by VincH
Madaming analyst ang nagsasabing tataas ang PSEi this year. Yung mga extra kong cash dito ko muna ilalagay pati mga itinatabi ko sa 52 week challenge.