The not so good things in the Philippines

Talk about things other than video games. What are your other hobbies? What's your favorite TV show? Are you into sports. Any recommended restaurants? Do you travel?
Post Reply
User avatar
sic001
Twisted Metal
Twisted Metal
Posts: 699
Joined: Sat May 22, 2010 11:24 pm
PSN ID: kenet_jose

SirZap wrote: Sun Mar 12, 2017 11:26 am
eynjel18 wrote: Sun Mar 12, 2017 12:04 am Yung mga taong madaming utang at mga walang pera sila pa etong kung makaporma kala mo mayaman. Tulad na lang ng mga pinsan ko, magaganda cellpone, sapatos, branded na damit, may mga hobby pang pangmayaman, pero wag ka, mga wala namang ipon at lakas pang mangutang. Yung isa ko pang Tita, bilhan daw ng erpats ko yung anak nya ng sapatos galing states at namili pa kung anong brand ah, kapal ng mukha. Samantalang kami dati nung naghihirap ni hindi nga ako napapapabili sa erpats ko nung nasa middle east sya at yung mga kamaganak namin hindi sila malapitan ng ermats ko nung panahon na gipit kami. Ngayong nakakaangat na kami sa buhay, sila etong hingi ng hingi at sumisipsip sa erpats ko. Napakaplastic pa nila, sa harap mo nakangiti pero pagtalikod mo iba na itsura, minsan ayaw ko nang makita etong mga kamaganak kuno.
maraming ganyan. kita mo na pattern lagi. maporma, magimik, pala-barkada... kaya pag umutang sa iyo, iwasan mo na, malamang hindi ka mabayaran :sweat:

meron naman yung tao mahihirit.... sasabihin sa iyo "manlibre ka naman" :lol: yung iba pinagbibigyan ko pero abusadao talaga humihirit ule

you may talk about money on this thread
http://pinoyps.com/viewtopic.php?f=236&t=72543
Image
Image
PSN (US): kenet_jose
PSN (SG): kenjose
User avatar
SirZap
Big Daddy
Posts: 4617
Joined: Mon Dec 01, 2003 5:34 pm
PSN ID: SirZapp

sic001 wrote: Sun Mar 12, 2017 7:25 pm Image
kita ko yan kahapon :lol: :rofl:
Image
Like · Comment · Share
You and 101 others like this.
User avatar
DarkRushBeat
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 6261
Joined: Thu Nov 02, 2006 10:12 am
Location: The Twilight Zone

He he he....Let that serve as a warning sa mga freeloaders na kaya naman gumasta....
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....


Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building


Gameboy/Nintendo DS/PSP/Nintendo 3DS
FC: 1934-0903-9050
User avatar
Sn@kemaru
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 8196
Joined: Mon May 24, 2010 4:58 pm
PSN ID: Snakemaru
Location: Quezon City
Contact:

DarkRushBeat wrote: Sun Mar 12, 2017 5:51 pm
grayfox17 wrote: Sun Mar 12, 2017 5:28 pm natatawa ako dun sa isa kong pinsan, basta pag may bagong balik na kamag anak namin galing SG nakadikit sya parati dun na parang personal alalay. Tapos nung nag for good na yung isang pinsan ko ni hindi man lang nagpapakita yung freeloader ko na pinsan haha...
Ganun talaga, wala na benefits e....Dami rin nyan dito, ultimo chimay/chimoy dating basta me galing abroad na kamag anak...
Naalala ko yun isang pinsan ko. Nag-quit sa work nya (totoo man na may work sya or talaga tinanggal na sya sa work nya) para lang maging alalay ng tita ko galing US. Kahit nasan Tita ko, nakadikit sya. to the point na sya na may hawak ng bag/wallet ng tita ko anywhere na talaga alalay/secretary ang dating. kulang na lang pati sa pagtulog o sa pagpasok sa CR ng tita ko ay sumama na sya. Hindi ko na nabalitaan kung magkano ang na-kubra nya nung bumalik na sa US tita ko.
Image
User avatar
DarkRushBeat
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 6261
Joined: Thu Nov 02, 2006 10:12 am
Location: The Twilight Zone

Mga hinayupak na kung maka upo sa jeep e akala mo bagong opera sa balls nila...Sakop na lahat e...
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....


Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building


Gameboy/Nintendo DS/PSP/Nintendo 3DS
FC: 1934-0903-9050
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

In general, pinoys doesn't bother to welcome change. Even if its for the better of everyone, rereklamo pa rin talaga.
**** ****!
User avatar
DarkRushBeat
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 6261
Joined: Thu Nov 02, 2006 10:12 am
Location: The Twilight Zone

Eto pa isang pansin ko...Constructive criticism....Marami pa rin ang hirap maka intindi nyan until now....

Porke pinansin ka sa work, etc etc etc e magagalit ka na, magtatanim ka na ng sama ng loob, etc etc...Hindi muna tignan kung meron talagang areas of improvement e...
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....


Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building


Gameboy/Nintendo DS/PSP/Nintendo 3DS
FC: 1934-0903-9050
User avatar
sic001
Twisted Metal
Twisted Metal
Posts: 699
Joined: Sat May 22, 2010 11:24 pm
PSN ID: kenet_jose

^guilty. Hahaha whether sila talaga may kasalanan o marerealize ko na ako pala mali e madami ako nakaaway ng managers dahil jan. But I'm still working on taking constructive critism
grayfox17 wrote: Tue Mar 14, 2017 9:50 pm In general, pinoys doesn't bother to welcome change. Even if its for the better of everyone, rereklamo pa rin talaga.
Mukhang political yan ah, hot subject yan hehehe. Pero pansin ko nga may mga taong kahit sino naka-upo sa Malacanang eh kontra sila. May tiyuhin ako na anti-ramos, anti-erap, anti-gma, anti-pnoy at ngayon anti-duterte hahahaha
Image
PSN (US): kenet_jose
PSN (SG): kenjose
User avatar
Daniel
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 21792
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco

anti sa lahat hehehe

kung kumontra man, sana magbigay ng solusyon. :D
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

DarkRushBeat wrote: Wed Mar 15, 2017 6:46 am Porke pinansin ka sa work, etc etc etc e magagalit ka na, magtatanim ka na ng sama ng loob, etc etc...Hindi muna tignan kung meron talagang areas of improvement e...

Wala namang problema sa constructive criticism. Ang commong issue talaga pagdating sa ganito is yung pag deliver nung taong kumakausap. Yung iba kasi, tulad ng mga dati kong naging TL sa call center, pag coaching imbes na turuan ka ng maayos ipapamukha pa syo yung mali mo. Ang nangyayari ngayon hindi natututo yung tao na mag ayos kundi magtanim ng resentment sa TL nila kasi parang mali na lang ang napansin at wala nang tamang nagawa.

Dapat point out the mistakes and give genuine help dun sa tao, make them feel your support hindi yung parang iritable kang magsasalita na "so, ano sa tingin mo? tama ba yang ginawa mo?" Sa buong buhay ko isang beses pa lang ako nagkaron ng supportive na manager at sa abroad pa yun, dito sa pinas wala eh. :sweat:

sic001 wrote: Wed Mar 15, 2017 12:27 pm
grayfox17 wrote: Tue Mar 14, 2017 9:50 pm In general, pinoys doesn't bother to welcome change. Even if its for the better of everyone, rereklamo pa rin talaga.
Mukhang political yan ah, hot subject yan hehehe. Pero pansin ko nga may mga taong kahit sino naka-upo sa Malacanang eh kontra sila. May tiyuhin ako na anti-ramos, anti-erap, anti-gma, anti-pnoy at ngayon anti-duterte hahahaha

At bago pa may bumugso ng damdamin bigla then let me clarify that I was talking more about on a micro level tulad ng mga sakayan/babaan, bagong tawiran, etc. :sweat: Halimbawa may bagong kalsada na inaayos, para sa mga hindi maka intindi laking perwisyo sa kanila yun pero hindi na inisip na pang long term progress na yun para makatulong sa pag iwas ng baha. Reklamo ng reklamo agad.
**** ****!
User avatar
DarkRushBeat
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 6261
Joined: Thu Nov 02, 2006 10:12 am
Location: The Twilight Zone

Wala namang problema sa constructive criticism. Ang commong issue talaga pagdating sa ganito is yung pag deliver nung taong kumakausap. Yung iba kasi, tulad ng mga dati kong naging TL sa call center, pag coaching imbes na turuan ka ng maayos ipapamukha pa syo yung mali mo. Ang nangyayari ngayon hindi natututo yung tao na mag ayos kundi magtanim ng resentment sa TL nila kasi parang mali na lang ang napansin at wala nang tamang nagawa.
True. Etong Aussie Boss ko nga nung una akala ko pinapagalitan na ko sa work ko dati e. Hindi pala...Its all about how you deliver it...Pero ewan, mas ok pa sa akin foreigners mag deliver minsan e, pag kapwa Pinoy kasi baka makasapak ka lang e...

Kagaya nung OM na nasigawan ko sa last BPO ko. Nasa production floor, nasa calls kami, then kukumpara CSAT namin (we were just 2 weeks into going live) sa mga bagong trainees sabay sinabihan kami ng malakas na boses nya na "Mahiya kayo sa balat nyo"...

@ topic...

Ewan ko yung tinatamad lang ba or talagang tanga...Me footbridge dito sa Lipa city, pinagawa ng local government pero iilan lang gumagamit, yung karamihan mas preferred pa rin makipag patintero sa mga SUVs, 10 wheeler, etc etc etc...

I'm not saying kasama dito mga senior citizens at PWD na hindi maka akyat ng mataas na hagdan ha...Pero everyday normal people...
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....


Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building


Gameboy/Nintendo DS/PSP/Nintendo 3DS
FC: 1934-0903-9050
User avatar
Daniel
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 21792
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco

Mas gusto ng mga Pinoy maaksidente. :( :sweat:
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

parang natural ang pagka tanga ng ibang pinoy :banghead: namamana ba yun? :lol:

anak ng teteng, nasa harap mo na nga yung dapat mo malaman tapos itatanong mo pa ulit?! :sweat:
**** ****!
User avatar
sic001
Twisted Metal
Twisted Metal
Posts: 699
Joined: Sat May 22, 2010 11:24 pm
PSN ID: kenet_jose

grayfox17 wrote: Wed Mar 15, 2017 6:10 pm At bago pa may bumugso ng damdamin bigla then let me clarify that I was talking more about on a micro level tulad ng mga sakayan/babaan, bagong tawiran, etc. :sweat: Halimbawa may bagong kalsada na inaayos, para sa mga hindi maka intindi laking perwisyo sa kanila yun pero hindi na inisip na pang long term progress na yun para makatulong sa pag iwas ng baha. Reklamo ng reklamo agad.
Hahahaha my bad
DarkRushBeat wrote: Fri Mar 17, 2017 4:17 pm Ewan ko yung tinatamad lang ba or talagang tanga...Me footbridge dito sa Lipa city, pinagawa ng local government pero iilan lang gumagamit, yung karamihan mas preferred pa rin makipag patintero sa mga SUVs, 10 wheeler, etc etc etc...

I'm not saying kasama dito mga senior citizens at PWD na hindi maka akyat ng mataas na hagdan ha...Pero everyday normal people...
May pinsan ako nakasagasa sa ilalim ng foot bridge. Sinagot niya palibing pero bago yun nireklamo pa siya sa pulis. Pero alam ko inurong din yun kaso. Nagda-drive lang siya normally without knowing may isang tamad na gusto makatawid agad. Perwisyo. Di na masyado naglalalabas yung pinsan ko na yun at na-trauma nakapatay siya :sad:
Image
PSN (US): kenet_jose
PSN (SG): kenjose
User avatar
DarkRushBeat
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 6261
Joined: Thu Nov 02, 2006 10:12 am
Location: The Twilight Zone

Mga tricycle na overloaded na masyado, panay pa rin ang pasakay...Tapos kapag tumaob or naaksidente, wala naman sila magawa sa mga pasahero nila....
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....


Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building


Gameboy/Nintendo DS/PSP/Nintendo 3DS
FC: 1934-0903-9050
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

yung mga jeep na ang ugaling magsakay kahit naka-go na o kaya yung driver na may nakasabay na kakilala tapos magdadaldalan habang mabagal ang andar ng jeep... :banghead:
**** ****!
User avatar
flipsflops
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 2810
Joined: Mon Mar 14, 2011 10:32 am
PSN ID: flipsflops

Ganyan talaga pag madali kumuha ng lisensya at parating dalawa ang standard-- isa sa mahirap at isa sa mayaman.
白線の内側に下がってお待ちください
User avatar
Daniel
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 21792
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco

grayfox17 wrote: Fri Mar 17, 2017 7:27 pm parang natural ang pagka tanga ng ibang pinoy :banghead: namamana ba yun? :lol:

anak ng teteng, nasa harap mo na nga yung dapat mo malaman tapos itatanong mo pa ulit?! :sweat:
Barker: Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao!
Pasahero: Boss, Cubao?

:lol:
flipsflops wrote: Fri Mar 17, 2017 10:03 pm Ganyan talaga pag madali kumuha ng lisensya at parating dalawa ang standard-- isa sa mahirap at isa sa mayaman.
Ganun na nga. Hindi naman siguro magiging anti-poor kung hihigpitan nila ang pagkuha ng lisensya. Yung mga marunong magmaneho at alam ang batas trapiko lang ang mabibigyan ng lisensya.

Kasalanan ng LTO. :huh:
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

yung iba kasing jeepney driver naturuan lang magmaneho kaya di na nakakapag taka na mangmang sila sa road rules... pinaka sakit ng ulo namin sa araw araw yung mga humaharang sa driveway namin. Kahit walang nakapaskil na "dont block the driveway" basta nakita nang gate yan dapat hindi na hinaharangan pa! :banghead:
**** ****!
User avatar
skp_16
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 10555
Joined: Tue Jul 15, 2008 4:36 am
PSN ID: skp7_13
Location: Greenhills, San Juan

Kaya ako if more or less 2.5 kilometers (or 30 mins walk) ang layo ng pupuntahan, nilalakad ko nalang.
.......
Post Reply