Page 7 of 28

Re: rants thread

Posted: Tue Jan 17, 2017 9:58 pm
by javaChip56
DarkRushBeat wrote:Nakakasama daw sa mga bata ang panonood ng mga Sentais, like Maskman, etc etc...

Eh anong gusto nyo, maaksidente mga bata sa kalikutan nila or manahimik na lang sila at manood?
Baka ang ibig nila sabihin Hentai. Masama talaga ang Hentai.. :sweat:

Re: rants thread

Posted: Wed Jan 18, 2017 8:48 am
by abbadon
javaChip56 wrote:
DarkRushBeat wrote:Nakakasama daw sa mga bata ang panonood ng mga Sentais, like Maskman, etc etc...

Eh anong gusto nyo, maaksidente mga bata sa kalikutan nila or manahimik na lang sila at manood?
Baka ang ibig nila sabihin Hentai. Masama talaga ang Hentai.. :sweat:
Lol! Post of the day! :lol:

Re: rants thread

Posted: Wed Jan 18, 2017 11:28 am
by kurtsky
Super Sentai, hindi super Hentai

Re: rants thread

Posted: Wed Jan 18, 2017 3:12 pm
by DarkRushBeat
Sn@kemaru wrote:Baka daw kasi ginagaya nila yun mga flying kick, acrobatics, sword fights?
Yup...I even got my 2 boys foam swords for their roleplay...Wala...Mahirap kapag wala maka intindi talaga...Pero kapag Sentai nakasaksak sa DVD, wala, tahimik ang bahay. Tahimik ang mga anak ko & i'm a happy man doing his work in his home office...

Re: rants thread

Posted: Wed Jan 18, 2017 7:59 pm
by Sn@kemaru
^ Wala naman masama sa sentai shows. Basta may patnubay ng magulang.
Yun mga shows pa nga sa cartoon network ang pinagbabawal ko sa anak ko. Paano, sponge na nagsasalita. mga ipis na nagsasalita. tapos wala naman mga moral lessons.

Re: rants thread

Posted: Wed Jan 18, 2017 8:21 pm
by VincH
^sama mo pa family guy, simpsons, south park, etc.

nakakinis ang mga ganyang klaseng palabas. ginagawang mukhang pambata pero pwede na pang rated M :facepalm:

Re: rants thread

Posted: Thu Jan 19, 2017 3:33 pm
by DarkRushBeat
Dito naman ako lang nanonood ng Family Guy, American Dad, etc...

Mas nakaka inis yung mga teleserye ng ABS CBN na puro landian, etc etc....

Re: rants thread

Posted: Thu Jan 19, 2017 4:43 pm
by grayfox17
^di lang landian, kabitan at kabaklaan pa kamo...

Re: rants thread

Posted: Thu Jan 19, 2017 7:09 pm
by Sn@kemaru
^^^ precisely.
Primary reason kaya ako nagpakabit ng cable TV para maiwasan panoorin yun mga walang kwentang palabas sa mga local channels natin.
kalandian, kabaklaan, kabitan, ahasan o agawan ng asawa, third party. sex at iba pang mga kababawan... ito daw yun tinatangkilik ng "masa".
Kaya mga news program na lang ang pinapanood ko sa local channels natin, after the news lipat na ako sa cable channels or gumawa na lang ng iba.

Re: rants thread

Posted: Thu Jan 19, 2017 7:20 pm
by grayfox17
Malapit kasi sa katotohanan kaya tinatangkilik ng masa ang mga ganung scenario. Lalo na yung mga kwentong nag abroad tapos pag uwi may kabit na, etc. Kwento sa kin ng isa kong tropa na nagwork dati sa GMA, karamihan daw ng mga creative teams nila (kahit sa ibang networks) pinamumugaran daw ng mga bakla at tibong writers kaya ganun na lang ang madalas na tema ng mga sinusulat nila kaya di na kataka-taka kung bakit madalas may baklang character sa mga telebobos na yan. Doesn't matter kung matanda o bata, basta magsisingit sila ng bakla para magsilbing icebreaker na character for lightening the mood of the show. Makes sense kasi madalas ang dialogue ng mga character na yan madalas pabiro lagi.

Buti na lang nung mga early 90's nakamulatan kong palabas sa tv mga maaayos pang programa pati sa sine. Makapanood lang ako ng mga cartoons tulad ng peter pan or AngTV sa channel 2 tuwing hapon masaya na ko nun. Kahit mga comedy shows at movies hindi pa ganun kalala. Maski yung mga drama sa tv tuwing tanghali/gabi at kahit mga gameshows masaya pa rin panoorin.

Hindi tulad ngayon na very accessible na ang questionable content sa media dala ng internet. Kaya ang mga kabataan ngayon madaling namumulat sa mga kamunduhan at hindi magandang impluwensya kasi madaling mapanood at matunghayan. Mas nagiging daring pa ang tema dahil pinapattern sa real world scenarios, even the dialogues are getting more and more annoying. At madalas, kahit ang magulang hindi naman talaga ginagabayan ang mga anak sa tuwing nakakapanood sila ng mga ganun kasi mismong mga magulang ang aliw na aliw sa panonood ng mga ganung palabas.

Re: rants thread

Posted: Fri Jan 20, 2017 7:03 am
by DarkRushBeat
Eto rant ko for today...

Bwisit kang Energy Gap ka....Nakakarindi...

Re: rants thread

Posted: Fri Jan 20, 2017 10:08 am
by abbadon
DarkRushBeat wrote:Eto rant ko for today...

Bwisit kang Energy Gap ka....Nakakarindi...
Bwisit din ako sa kanta na yon!

As for Telenovelas, my aunt and mom watch the hell out of them. I'm always outvoted when it comes to TV. I don't even have one in my studio.

We pay for cable, but that one TV in our dining room barely gets changed from Channel 2! Ugh!

I also don't like the morning shows on both channels. Don't even mention Showtime... :banghead:

Re: rants thread

Posted: Fri Jan 20, 2017 10:19 am
by Daniel
sayang ang cable subscription kung sa channel 2 lang sila manood no? :(

Re: rants thread

Posted: Fri Jan 20, 2017 10:25 am
by abbadon
Daniel wrote:sayang ang cable subscription kung sa channel 2 lang sila manood no? :(
I would have canceled the sub for that TV, but my kid occasionally watches Disney stuff. One of the rare times the channel gets changed.

But still... :facepalm:

Buti na lang my daughter outvotes everyone else when it comes to TV. Magaganda naman shows sa Disney eh. :2thumbs:

Re: rants thread

Posted: Fri Feb 03, 2017 11:45 am
by grayfox17
i really had enough with OLX....that fckng site can go to hell for all i care... :banghead:

Re: rants thread

Posted: Fri Feb 03, 2017 4:13 pm
by DarkRushBeat
grayfox17 wrote: Fri Feb 03, 2017 11:45 am i really had enough with OLX....that fckng site can go to hell for all i care... :banghead:
Minsan lang ako nakipag deal sa OLX & thankfully maayos naman sya...Ngayon supplier ko sya ng toys he he he...

Re: rants thread

Posted: Fri Feb 03, 2017 9:54 pm
by Sn@kemaru
^^ Ok pa naman sa akin ang OLX. Meron pa rin ako mga nambabarat na sa mga items ko pero nasanay na ako mag-ignore na lang at hindi ko na nirereplayan.
OLX kasi ang pinaka-popular na site kung saan pwede magbenta ng mga used items ko.

Re: rants thread

Posted: Sat Feb 04, 2017 10:19 am
by DarkRushBeat
Eto share ko lang what happened kanina sa gym...

Meron mga starters mas bata pa sa akin na nag bubuhat like me kanina...So, like any other guy, mind your own business...Nung nagbubuhat na ko via bench press, sinabihan ako na mas ok daw ganito, etc etc...Napagalitan ko tuloy at sinabihan ko wag makialam dahil i've been lifting weights since 2011...Nanahimik bigla..Ang dami kasing feeling marunong na mahilig makialam at sa huli sila mismo napapahiya..

Re: rants thread

Posted: Sat Feb 04, 2017 11:03 am
by grayfox17
Sn@kemaru wrote: Fri Feb 03, 2017 9:54 pm ^^ Ok pa naman sa akin ang OLX. Meron pa rin ako mga nambabarat na sa mga items ko pero nasanay na ako mag-ignore na lang at hindi ko na nirereplayan.
OLX kasi ang pinaka-popular na site kung saan pwede magbenta ng mga used items ko.
Buti sana kung buyer lang eh, atleast pwede mo pa ma-close yung deal nun. Ang problema ko yung sistema nila, pucha nag edit ka lang ng description biglang na-ban ang account ko?! :shock: muntanga lang .... :banghead: useless sila kontakin hindi sila sumasagot. No choice ako kundi bumili ng isang sim para lang makapag post ulit...

Re: rants thread

Posted: Sat Feb 04, 2017 11:36 pm
by Sn@kemaru
^ Himmm... nag-eedit din naman ako ng mga items ko lalo ng kung gusto ko na ibaba ang selling price pero hindi pa naman ako na-ban sa olx.