Page 6 of 35

Re: Philippines Next President?

Posted: Tue Mar 15, 2016 12:33 am
by grayfox17
kaduda duda yung pangako ni binay na no income tax daw pag sya nanalo, san pa kukuha ng panggastos sa mga proyekto para sa bayan? malamang yan mag iintroduce yan ng panibagong sistema pero ganun pa rin ang epekto - ang kakaltas sa sahod ng masa. Iibahin lang ang tawag pero same formula pa rin. Sooner or later babawian din tayo nyan sa ibang paraan (increased VAT, gas hike, etc), remember nakakulimbat yan ng bilyon so hindi papayag yan ng walang cut. Ang dapat dyan ay taasan ang sahod ng mamamayan tapos babaan ang tax hindi totally alisin.

Share ko lang, sa SG maganda ang sistema sa pagbabayad ng tax, yung individual mismo ang magfifile ONLINE tapos padadalhan ka ng confirmation kung tama ang computation (based on your declared salary by your employer) tapos ikaw din ang magbabayad ng tax mo mismo which is online din. Sobrang baba pa kamo. For the whole year ang computation and masasabi ko hindi ako lumampas ng 3k+ (in pesos) yata per year. Tapos once na-settle na yun with your HR sigurado may "significant" tax refund ako na maaasahan at around MAY to JULY. :agree: Just for clarification, yung pagbabawas ng tax at pagbibigay ng tax refund sa SG will depend on the company - last time i was there hindi daw lahat ng kumpanya may ganung sistema.

Re: Philippines Next President?

Posted: Tue Mar 15, 2016 8:15 am
by deathzero23
Yung Insurance system sabi ni Digong, pag-iisahin daw nya. SSS at GSIS.
Kasi pareho lang halos ang function. Kahit private or government employee, lahat under sa isang insurance system.
Ang alam ko sa SG ganun daw ang insurance system.

Saka i think may point naman si Digong kasi para makatipid ang government natin sa sobrang dami ng agency na meron tayo. Na yung iba eh redundant ang function pero ginagastusan pa ng gov't. Tapos yung mga senior officer eh ang kakapal humingi pa ng malaking bonus.

Re: Philippines Next President?

Posted: Tue Mar 15, 2016 10:09 am
by Daniel
parokyano wrote:imo dapat imerge na lan ito sa usapang politika since.. usapang politika din naman ito..
good idea

Re: Philippines Next President?

Posted: Wed Mar 16, 2016 2:52 am
by SirZap
Daniel wrote:
parokyano wrote:imo dapat imerge na lan ito sa usapang politika since.. usapang politika din naman ito..
good idea

huwag muna :sweat: pagkatapos na lang ng eleksyon :)

Re: Philippines Next President?

Posted: Wed Mar 16, 2016 5:47 am
by DarkRushBeat
Sa senate scene naman, i think Dick Gordon should be re-elected....

Re: Philippines Next President?

Posted: Wed Mar 16, 2016 8:15 am
by deathzero23
^Ipasok si Dick!!! :lol:

Re: Philippines Next President?

Posted: Wed Mar 16, 2016 1:47 pm
by Fantasy Gamer
Ako, kahit sino manalo hwag lang si Binay. :sweat:

Re: Philippines Next President?

Posted: Wed Mar 16, 2016 1:52 pm
by Daniel
Ako naman, wag lang si Binay at Poe. :sweat:

Re: Philippines Next President?

Posted: Wed Mar 16, 2016 2:14 pm
by grayfox17
deathzero23 wrote:^Ipasok si Dick!!! :lol:
para makaraos tayo sa kahirapan! :rofl:

Re: Philippines Next President?

Posted: Wed Mar 16, 2016 2:56 pm
by DarkRushBeat
Ha ha ha....Buhay na naman ang "Dickheads" movement!

Image

Pero kidding aside...Maraming natulungan si Dick, not just the reformation of Subic many years ago....

Re: Philippines Next President?

Posted: Wed Mar 16, 2016 3:55 pm
by deathzero23
Fantasy Gamer wrote:Ako, kahit sino manalo hwag lang si Binay. :sweat:
Hahaha feeling ko pag nanalo si Binay, marami magwawala

Action man yang si Dick. Kita mo naman laging may accomplishment.
It's just the masses doesn't like his aura and being straight forward.
You need to watch his Presidential bid interview with Karen Davila in ANC years ago.

Thinking Class lang boboto kay Dick.
I don't know why big Political Parties doesn't appreciate this guy.
Yan ang hirap dito umaasa sa popularity/personality eh be it voters or political party.

Yeah, for voting Dick Gordon.. We're all Dickheads hahaha..

Re: Philippines Next President?

Posted: Wed Mar 16, 2016 4:26 pm
by Daniel
Mas binoboto nga ang mga sikat e. Dahil lang sikat. Ayun topnotcher sa senatorial survey si Sotto. Amp yan.

Re: Philippines Next President?

Posted: Wed Mar 16, 2016 6:43 pm
by grayfox17
^atleast pag nanalo si sotto baka mas lumaki ang bigay sa bossing savings sa EB :sweat:

Re: Philippines Next President?

Posted: Wed Mar 16, 2016 6:48 pm
by Daniel
sugod bahay sa mindanao, sa basilan.

Re: Philippines Next President?

Posted: Thu Mar 17, 2016 9:32 am
by parokyano
Langyang Sotto yan ang pangako sa Pangasinan pag pinanalo daw nila siya mag shoshow daw ang EB dub at isasama ang AlDub.. palakpakan naman ang mga gunggong.. :facepalm:

Re: Philippines Next President?

Posted: Thu Mar 17, 2016 12:13 pm
by DarkRushBeat
Sa senate gusto ko makapasok sila

- Dick Gordon
- Kiko Pangilinan
- TG Guingona
- Joel Villanueva
- JM Zubiri

Re: Philippines Next President?

Posted: Thu Mar 17, 2016 1:52 pm
by Daniel
parokyano wrote:Langyang Sotto yan ang pangako sa Pangasinan pag pinanalo daw nila siya mag shoshow daw ang EB dub at isasama ang AlDub.. palakpakan naman ang mga gunggong.. :facepalm:
bobotante ba? pangakong pang artista dapat yun e.

Re: Philippines Next President?

Posted: Sun Mar 20, 2016 11:07 am
by deathzero23
Debate mamya.. TV5

Re: Philippines Next President?

Posted: Sun Mar 20, 2016 10:07 pm
by eynjel18
Mukhang may deal na sina Binay at Duterte kung sakaling si Binay ang manalo. Kaya pala hindi masyadong binabanatan ni Duterte si Binay eh, ewan ko kung stategy nya yun or talagang bati sila ni Binay. Si Binay daw pinakaqualified na maging presidente sabi ni Duterte, akala ko ba ayaw nya sa corrupt? Ayaw ko na kay Duterte kung talagang proBinay sya.

Kung ako magtatanong kay Binay tatanungin ko kung saan nya tinago sina Gerry Limlingan and Ebeng Baloloy.

Si Grace Poe puro dada lang at pangako, halatang future traPoe na puro pangako, kumbaga puro drawing lang.

Si Mar halatang pikon, puro bukambibig yung tuwid na daan na puro palpak naman. Nagtatago sa palda ni PeNoy.

Si Miriam na talaga iboboto ko kahit sabihing masasayang boto ko.

Re: Philippines Next President?

Posted: Sun Mar 20, 2016 11:41 pm
by deathzero23
^that was simply sarcasm. maraming nalito dun. Pero I'm telling you it's just sarcasm.
paano binanatan ni Binay si Digong tapos nung bumuwelta na si Digong di na nakakibo si Binay.
Wala pa lang yagbols si Binay kay Duterte?

Di nyo ba halata medjo may mga binully at nag-troll si Digong?
Pinagmumukha nyang walang alam si Roxas
Anong unang gagawin ni Poe pag binomba ang coast guard. Biglang bawi si Grace Poe, gigising muna :lol:
Tapos yung Binay about sa Davao, sabi ni Digong "Sige sabihin mo kung sino"
Infairness kay Digong sabi nya, pwede nya ipasok ang mga plataporma ni Poe at Mar kung makakabuti.

For now, gusto ko yung lider na may balls at hindi papadikta kahit kanino.
Sa tingin nyo, sino sa apat yun?