fyi, some insects, especially ants, love warm and dark places kasi dun nila gusto mangitlog kaya wag ka na magtaka kung makitaan mo ng insekto yung ibang gadgets mo (ginoogle ko talaga to hehe) and as much as possible dapat may cover yan pag hindi ginagamit - kahit plastic or towel ok lang basta matakpan yung buong unit, at syempre palamigin mo muna bago mo takpan. Kahit kasi luma or sira na yung electronics pwede pa rin pamahayan yan lalo na ng ipis...nayj wrote:May nakaka alam po ba sa inyo kung tumatanggap ang Sony Service Centers ng PS4 na hindi maka detect ng storage (CE-34335-8 error) na ang possible cause ay ant infestation? Pag bukas ko kasi ng HD ng PS4 ko, puro langgam at tumutunog TEXT SPEAK VIOLATION HD pag nag attempt ako mag startup ng PS4. Hassle.
anyway, try calling up the service center muna and ask for an estimate para di masayang ang punta mo or yung ibabayad mo for the labor. Pwede kasing connector problem lang or worst baka may iba na palang piyesa na nadale dyan. Kahit kasi covered pa ng warranty yan or hindi na, may chance na baka beyond repair na pala yung damaged part tapos wala silang available or makukuhanan ng replacement for the damaged item so wala din .... tricky din kasi yang mga maliliit na insekto, hindi lang nila pwedeng ngatngatin yung mga connector cable sa loob, pwede rin masira yung mga hinang sa board so malaking problema syo yan. Hopefully maayos pa yan pero yun nga, contact them first to ask lalo na yung presyuhan nila sa ganyang repair.
panoorin mo yung ant man na movie para makita mo kung anong klaseng damage ang kayang gawin ng langgam sa electronics hehe...