Saang bansa? UAE, Singapore, Japan, HK, China, USA, Canada, etc.?
Paano ka naka-punta? Sariling sikap, may kamag-anak na tumulong, etc.?
Talk about your experiences in the life abroad. Lessons to share, Tips & Tricks everything
And yeah, everyone wants to save the money they earned.
In this thread, it's Pinoy Meets World.....
So to kick things off, i'll just repost / quote the recent discussion posted in this thread:
http://pinoyps.com/viewtopic.php?f=25&t ... 0#p2206820
to here.
PitchBlack wrote:sa totoo lang ako ayaw ko na talaga sa PH.. ang dami kong ayaw dito.. mahina lang talaga loob ko para mag abroad.. kasi hindi ko alam kung masarap ba talaga buhay sa abroad o muka lang masarap.. para sakin ok lang sa PH kung may business ka na maganda ang takbo.. kasi kahit gaana kapangit yung PH, may pera ka pangbili ng gusto mo at wala ka paki kung ano mangyari sa PH kasi may pera ka naman.. pero kung fix salary ka lang like corporate/office worker.. parang hangang ganun ka nalang.. sakit pa sa ulo yung problema sa PH/govt..
gusto ko magabroad.. hindi ko lang alam kung kakayanin ko ba magwork dun, or tiisin yung culture, discrimination, environment, etc.. may mga friends ako na nasa abroad, pag nakikita ko FB post nila parang angsasaya nila.. sabihin na natin mahirap yung trabaho dahil todo kayod para kumita.. diba may kasabihan na dapat masaya ka sa ginagawa mo (kahit mahirap) basta gusto mo.. kagaya ko ayaw ko sa PH ibig sabihin ba para sakin yung lugar na to?
tanungin ko narin yung mga nagwowork sa abroad (any countries) na may exp na.. kahit ba gaano kapangit ang PH or ugali ng pinoy.. mas mabait parin ba talaga mga pinoy compare sa ibang race?
deathzero23 wrote:Well pag nag-abroad ka, be ready for discrimination of all sorts. Pag nasa US ka, sasabihin nila:
"Damn you Asians, your taking away our jobs!, We should be the one working in our own soil!"
75% ng mga pinsan ko nasa Canada. So far, buhay na buhay sila doon. Yung asawa ng pinsan ko na welder, after 1 year may sariling bahay at sasakyan na. Syempre, uunahin mong mag-invest sa basic needs. Food, Shelter, Clothes, Transpo. Makakaipon basta walang sobrang luho.
May pinsan ako sa Washington. Silang mag-asawa nag-wowork. Shifting nga lang para may maiwan mag-alaga sa mga anak. Mahal ang magbayad ng Nanny. May sariling bahay at dalawang sasakyan. Pasyal na lang ang luho nila.
Well, magtitiis ka talaga pag nasa abroad kasi wala ka sa sariling "Home Turf" mo ika nga.
Though yung kapatid ko, may offer mag-abroad pero ayaw nya. Sabi nya sa akin, "Nabibili ko pa naman yung mga pwede kong bilhin dito eh. Basic needs at luho. Bakit pa ako aalis? Siguro pag di ko na kaya financially, that's the time."
Siguro kanya-kanyang pananaw at needs na lang yan. If you want big money for big future, abroad ka. Kung kaya mo pa mabuhay dito pinas & able to finance everything, you stay.
If you want to be big time here and your a rank & file employee, mahirap. Yung mga gusto mong palitan sa posisyon eh di papayag maalis.
One of the best ways to be big time by yourself eh magkaroon ng sariling business. Ikaw pa ang boss. Kagandahan nun, makakatulong ka na magbigay ng trabaho sa iba. Management, Financing and Market competition lang ang magpapahirap sa negosyo.
Sa business naman, gawing self-sustaining at least. Yung iba kasi nalulugi kasi masyado naghahangad ng mabilis na ROI. Yung profit, unti-unti darating yan. Wag lang magwaldas ng pera.
Darkshader wrote:Ako talaga bata palang ako gusto ko na talaga mag abroad. Suwerte naman dahil veterano ng world war 2 tatay ko kaya nakapunta kami sa states. Mahirap buhay sa umpisa sa states dahil wala kaming kamag anak pero basta tulungan ... back to zero ka, ipon lang, then bili ng gamit sa bahay, then after few years car naman.
Iyong wife ko bored na bored siya dito sa states, nasanay na laging naglalakwatsa at nanonood ng sine sa pilipinas. Eh ako taong bahay. Magastos kung lagi kang gumigimik sa states hindi ka makakaipon. Ngayon after 3 yrs busy na siya dahil two jobs na siya at nalaman niya mahirap ang buhay sa states pero atleast may ipon sa bangko at nabili naman niya gusto niya. We just bought a new car. Konting tsaga lang.
Dalawang brother in law nagpakihirap magtrabaho sa dubai as engineers. While the wives (my sisters) took care of their kids in the 80's. Naka graduate mga anak nila ngayon ... mga engineer at architect sa mapua, after graduation nag stay lang sila ng 6 months sa parents nila sa dubai para mag hanap ng trabaho. Siksikan sila sa isang bahay lahat ... ngayon after 10 yrs ang lalaki na ng mga suweldo ng mga pamangkin ko nasa $120,000 dollars ang suweldo a year. May gusto nga na kumuha na company sa isang pamangkin mas malaki offer pero inayawan niya dahil malaki tax sa states, sa middle east walang tax.
deathzero23 wrote:^kaya naman pala mabilis makaipon nasa middle east, walang tax. taka nga ako sa friend ko dun, after 3 months, may AlienWare gaming laptop na agad.
As far "Taong Bahay", me too.. Give me gaming console ok na ako hahaa.. lol
Can someone create dedicated thread for this topic? Like "Usapang Abroad"? pang-general overseas thread.
Puro specific country kasi meron tayo. Japan at Singapore. Ok naman pala takbo ng kwentuhang abroad eh.
grayfox17 wrote:^ Just to say my piece on this matter, walang pipigil sa kahit kaninong may gustong mag abroad. Madali magipon or mangutang para may mapakita na show money, madali makisuyo sa mga kakilala na nasa abroad na makituloy at mag refer sa kahit na anong opening PERO ang hindi alam ng nakararami na ang pag abroad ay malaking hamon sa inyong pagkatao, pananaw at nakasanayan - hindi porke sandamakmak na experience or datung na naipon nyo or may kapit kayo eh malaki na pag asa nyo na swertihin kayo. Ayaw nyo maniwala? read on.
Ang dami ko nakilala na sumugal at pinaghandaan ang pag abroad pero bigo sila kahit pa nag agency na sila. Naubos ang dalang pera at kinailangan pang mangutang para may pambili ng ticket pauwi. Meron naman ako mangilan-ngilan na nakilala na walang kaplano-plano mag ofw, nag turista lang at namasyal tapos nagkataon may nakitang job posting sa isang store habang namamasyal then sinubukan nya mag inquire and on the spot na-hire sya ng ganun lang kadali. Above average pa sahod nya. Talk about luck di ba?
Payo ko lang, wag kayo basta basta pumunta sa kahit saang bansa ng hindi kayo lubusang handa. Malalaman nyo pag buo na loob nyo o hindi. Di lang kasi budget at lakas ng loob ang sinasabi ko kundi ibayong research sa gagawin nyo para pagdating nyo dun you know what to expect na. Dami ko naging housemate na nag transient lang ng ilang weeks to 1 month with the mindset na "sawa na sa pinas" kaya nag abroad pero sila pa yung mga minalas. Ang pinupunto ko lamang po ay hindi kasi sila nabilinan specifically kung gaano kahirap mag hanap ng work abroad tulad na lang dyan yung status ng mga foreigner dun kung higpitan ba or what. Sa madaling salita, misinformed sila - yung mga tipong naaya lang at gora lang sila. Madaming nadadale sa ganito. Sobrang dami.
Eto pa, sige nag abroad ka at naswertehan ka pa ng magandang sahod - ang tanong, tatagal ka ba? meron iba pinayagan magbakasyon lang ng 1 week ng boss nila pero pagbalik tanggal na sila sa trabaho, iba naman kaka-promote lang bigla naman na-dissolve ang project after 1 month so tapos ang kontrata nya, at ang pinaka masakit dun, yung dapat mong sahurin ang di mo talaga nakukuha monthly - minsan nga wala ka pa bonus at increase tapos ang makulit pa, after mo ibawas ang monthly expenses mo saka mo mare-realize na "damn, break even pala sa kinikita ko sa pinas."Di ka naman basta basta pwede mag awol dahil baka may bond yung employer mo. Di pa po kasama dyan yung racism at stereotyping sa yo dahil banyaga ka na maaari din makaapekto ng husto sa morale mo at growth mo sa kumpanya. Willing pa ba kayo sumugal ng basta basta lang?
Ok, so you're still around reading this so I assume interesado ka nga talaga mag abroad at all cost. What you need to understand is kanya kanya man tayo ng pangangailangan sa buhay at iba-iba pa man tayo ng swerte't kamalasan eh dapat you have to know first what you really need to do. Gusto mo lang ba mag abroad para makaranas makabili ng mgagandang gadgets or maging maayos ang buhay? Syempre madami sa tin sasabihin "para sa greener pasture" pero sa naranasan ko sa SG, yung mga taong nagsasabi ng ganun ang sya pang maluluho; kitang kita mo kung sino ang mga pinoy na lumaki sa hirap kasi sila pa mismo ang mahihilig pumorma ng branded, maglamyerda at gumamit ng magagarang celphones pero ang ulam nilagang itlog lang at nambuburaot pa ng sinaing ng kapwa housemate - tapos yung mga lumaki naman ng may kaya sa buhay sa pinas sila pa yung matitipid sa materyal na bagay at marunong humawak ng pera. Hindi ko nilalahat pero karamihan lang. Oh di ba? kaplastikan talaga.
Btw, as for the one asking kung mababait ba talaga ang pinoy compare sa ibang race? i have to say NO. Sure, we pinoys are good in our own way and own right pero kasi alam na natin ang baho ng lahi natin lalo na ang kawalan ng disiplina sa halos lahat ng bagay whereas ang mga ibang lahi pag nakuha mo tiwala nila, pupusta ako sayo sila pa unang tutulong syo when you least expect it. And I say this truthfully because I have experienced this several times myself. I do not mean to badmouth our own pero kasi - prangkahan na lang - may pagka iskwater ang mga pinoy most of the time (ingay sa gabi, kalat anywhere, jaywalking, mapangmata at mapagmataas) at dinadala pa rin sa ibang bansa so in effect napapasama tingin sa tin. Ang laban lang natin ay hindi ang pagiging pinoy natin kundi ang mga angkin abilidad at tyaga na nakagisnan natin as an individual. Citizenship or nationality has got nothing to do with it at all. So learn to "undo" your filipinoism when you step on foreign soil, take out your "pinoy pride" when you're there because it will never help you. Wala pakialam ang mga employer mong kano or briton or intsik kung ano pa ang nationality mo, ang importante lang sa kanila ay kung paano ka magtrabaho. Yun lang.
Closing statement ko: if you have to go abroad because you are really positively sure na yun lang ONLY means mo na umunlad at umasenso then GO by all means. Pero kung may maganda ka na posisyon at maayos bayad mo habang andito ka sa pinas then please, do yourself and your family (if you have) a favor and NEVER give that up.
skp_16 wrote:Not so good dito ay mahirap talaga mag ipon.
Madami akong na-meet na foreigners na early 20s palang sila pero well traveled na. Paano kaya nila yun nagawa? Naiinggit ako.
deathzero23 wrote:^Ah sila ba? Baka mga anak mayaman naman yun. May nakasabay kami foreigner sa noong nag-Puerto Princesa tour kami. Bata pa sa amin. Well traveled, yun pala anak ng Sheik. Fully shave kasi ang head and beard kaya di halata gaano na Arab pala ang bagets. Naka-Naruto shirt pa. Matangkad lang.
RE: Laking Mahirap pero Maluho, Laking Mayaman pero Matipid
I think it's reversal of stuffs, psychology, etc.. Siguro yung mga laking mahirap na naging maluho eh kaya sila naging ganun eh, maybe dun nila naramdaman na "Buong buhay ako lumaking mahirap, bakit di ako magpapasarap? Kelan ko pa dadanasin ito? Baka maghirap uli ako."
While yung mga laking Mayaman na naging matipid eh thinking nila "Totoo nga sabi nila, Mahirap nga buhay, I learned my Lesson."
I'm not justifying the acts but, I'm posting a possible reason what causes those kind of thinking among our kababayans abroad.
grayfox17 wrote:Income-wise, kasi abot kaya ng tao na may malaking kita kaya nakakalustay ng ganun. Pag ofw ka at malaki kita mo, madali lang makabili ng mga mgagarang gadget na para ka lang namili ng simpleng tshirt tapos sunod na sahod, bawi din ang nilabas mong pera. Lahat naman tayo alam natin na dala ng pagod at stress gusto rin natin marelax kaso ang iba napapasobra - nagiging shopaholic na sa dami ng sapatos, celphone, etc.deathzero23 wrote: RE: Laking Mahirap pero Maluho, Laking Mayaman pero Matipid
I think it's reversal of stuffs, psychology, etc.. Siguro yung mga laking mahirap na naging maluho eh kaya sila naging ganun eh, maybe dun nila naramdaman na "Buong buhay ako lumaking mahirap, bakit di ako magpapasarap? Kelan ko pa dadanasin ito? Baka maghirap uli ako."
While yung mga laking Mayaman na naging matipid eh thinking nila "Totoo nga sabi nila, Mahirap nga buhay, I learned my Lesson."
I'm not justifying the acts but, I'm posting a possible reason what causes those kind of thinking among our kababayans abroad.
Wala naman masama sa ganitong pag uugali dahil kahit ako naging ganun din. Ang problema lang talaga is pag kontrol sa budget to the point na nakokompromiso na ang mga priority nila sa pagbabayad ng bill or groceries. Or worst, uuwi ng pinas na halos konti lang ipon.
Daniel wrote:Yung ratio kasi ng kita at gastos malaki pinagkaiba e dito at sa ibang bansa. Nakapagtrabaho ako dati na minimum ang sweldo sa US, sa tingin ko naman kaya akong buhayin nun, minus yung renta sa bahay. Dito hindi ko magagawa yun.
Yung sasakyan, imported na nga mahal pa. Ang layo pa rin sa sweldong kinikita mo.
Baligtad pa nga tayo, 3rd world country pero brand new ang kotse. Pag 1st world, maraming kumukuha ng 2nd hand lang.
grayfox17 wrote:well, you'd be surprised to know that most people claim that they don't pero ask them again when they start receiving about 50K pesos for OT pay alone. Di pa kasama monthly salary at tax refund and you'll see what I mean. Basta pera asahan mo magbabago ang tao nyan, mga tipong nag aaway na ang magpapamilya dahil lang sa hindi napamaskuhan ni ofw, yung mga dating kuripot pero todo painom halos every weekend lalo na pag uuwi pinas at masaklap pa, kung sino yung mga dating nakilala mong mababait sila pa ang nagiging ogag talaga kahit pa kamag anakdeathzero23 wrote:being shopaholic is never good. I agree on that. But may mga kilala rin akong sobrang sinop na laki rin naman sa hirap.
I guess its safe to say anybody would definitely go through that phase given the chance to do so. The point here is that having an extremely good pay is a good motivation to become an ofw pero do not let it become your only drive to leave your family. You really have to know for yourself na handa ka in all aspects kasi flying abroad actually dims your success rate and that is something not all people can willingly accept in them - kahit pa anong pagpapasa-diyos ang gawin nila.
I am just here trying to give the right mindset sa mga interesadong mag abroad kasi madaming unspoken rule about becoming one. Ang lagi mo lang maeencounter na info is yung mga nakapag-pundar ng ganito, ganire - halos puro materyal na bagay ang nakatali sa concept ng pagiging ofw pero wala pa yata ako nakitang nag discuss na about sa anong totoong nangyayari sa kalooban ng gusto or mga naging ofw na. Akala ng karamihan masarap dun pero ang totoo, kaming mga naging ofw ay hindi maituturing na bayani kundi mga alipin lang din pinagkaiba lang sa ibang bansa ay halos wala nang pantay na karapatan pantao tulad ng tinatamasa natin sa pinas....
and when you're on a foreign soil, kahit gaano pa kadami ang maging friends mo or magparamdam na kesyo they will always be there for you, deep inside, you will always be on your own. I have learned this the really hard way myself.
Darkshader wrote:Ang pag aabroad talagang sugal iyan. Payo ko lang ko susugal ka kailangan gumawa ka ng research sa country at sa company na papasukan mo. Kung may company website sila mas maganda para makita mo description at company history nila. Halos naman lahat na google mo. You guys can check http://www.yelp.com kung ano naman ang rating ng mga customers nila. Ngayon kung maliit lang na company papasukan ninyo, medyo delikado kasi any time puwede magtanggalan depende sa income ng company. Unless may kakilala ka or kamag-anak ka na makakapag bigay ng info kung maayos iyong owner/employer na gusto mong pasukan.
So far sa iyong mga company sa U.S., Canada at Europe okay naman. Pero may mga ilan ilan na company na pagdating nila dito sa states eh hindi tama ang pasahod or kaya konti lang pahinga nila. Dapat ganon mag reklamo ka na sa Kinauukulan or punta ka sa Dept of Labor. Kaso problema tayo mga filipino tinitiis at hinahayaan lang mga ganon. Kaya mga puti or ibang lahi hindi nila maloko loko kasi talagang lalaban at isusumbong sila sa kinauukulan. YOU HAVE TO KNOW YOUR RIGHTS!
Tungkol naman sa mga filipino na mahilig magyabang at mag flaunt ng mga kanilang damit, alahas or gadgets. Depende na sa tao iyon at paano sila kagaling mag budget at mag manage ng finances nila. Ako hindi naman kami mayaman pero pinalaki ako ng magulang ko na mag tipid. Kaya inggit na inggit ako sa mga ibang bata na may pera or nabibili nila mga gusto nila. Kaya ng nakapunta ako sa states nag trabaho ako sa mcdonalds habang nag aaral sa college. Ako nag bayad ng tuition ko sa school, nag bigay ng pera sa gastusin sa bahay at nakabili ng videogames. Tapos after 7 yrs ayan nakahanap na ako ng magandang trabaho. Ayan na iyong bumibili na ako ng maganda damit, watch, at kumakain sa restaurant at may ipon na din sa bank at nakapag bakasyon na sa ibang parte ng amerika. My salary is still decent pero hindi ako gumagastos na mas malaki sa kinikita ko. Hindi rin ako palit palit ng cellphone ... every two or three years ako magpalit after the contract. Kasi ibang mga pinoy pag nakahawak ng pera, gastos dito gastos doon, iinom, mag susugal, kaskas ng credit card ... hindi ka nga makakaipon. Iyong iba naman pati ba naman iyong pagsasabong ng manok dinala sa amerika, ayon nahuli sila ng mga police mga tanga talaga. It doesn't matter kung resident ka ng isang bansa or OFW, basta alam mo ang priority mo pag nakuha mo suweldo mo hindi ka mababaon sa utang.
Kung middle east naman at punta medyo mahirap. Kaya kailangan mga pinoy doon magtulungan. Kaya mas maganda kung may kamag anak ka na mabuti na makakapag patuloy at sama sama kayo para menos gastos sa ano mang bagay. Iyong pagiging domestic helper medyo mahirap iyan ... tsambahan kung matino ba employer mo or hindi. Kung magiging domestic helper ka lang, medyo delikado lalo na kung middle east pa.
PitchBlack wrote:wow dami ko sobran natutunan dito.. parang tinamad na ako magabroad..hahaha.. tska medyo OT na tayo.. maganda nga kung may sariling thread.. dapat kayo mag TS kasi mas mataas post rate nyo..
naiintindihan ko bakit may ibang tao na umasenso sa ibang bansa ayaw na bumalik sa PH.. kasi pag umuwi sila puro aasa or hihingi nalang mga relatives or friends nila.. pag hindi binigyan magagalit.. pero may iba naman pabongga kung umuwi sa PH.. tapos panay gastos dito.. maganda talaga pa may sariling thread regarding life abroad..
isa yun sa mga napansin ko.. wala naman kasi kami relatives na nagwowork sa abroad.. karamihan nandito lang sa PH.. meron iba pero US/canadian citizen na sila noon pa iba naman nasa china.. fil-chi kasi kami, kaya karamihan ng relatives ko nandito puro may business.. tska lahat may kaya sa buhay.. and meron kami family business na 69yrs na (pero wala ako hilig sa ganung biz, gusto ko sarili ko or ibang concept)..
napanood ko kasi yung movie na "secret life of walter mitty" nakaka inspire yung ginawa nya.. kaya gusto ko mag abroad or travel (pleasure) baka mahanap ko yung hapiness and mas makilala ko sarili ko..
nakaka inis kasi magbusiness sa PH.. lahat ginagaya nalang.. kung hindi ginagaya, ifafranchise nalang kaya ang tendency nagsasawa kagad mga pinoy.. ex. yung pearl shake or milk tea or yogurt, nagtayo lang yung isa nag gayahan na lahat sa buong PH.. kaya ang nangyari mabilis magsawa ang pinoy.. kaya ako hindi ako fan ng franchise lalo na yung nauso sa atin na food cart..