Madali rin kayang kumuha ng visa dito?
mas madali kung may kasama kang magaapply na nakukuha na ng visa dati. yun kasi ginawa ko, yun ermats at erpats ko eh nakapunta na doon ilang beses na. nung naapprove na yung mga visa namin eh kami na lang ng utol ko ang pumunta dun.
kung ikaw lang naman eh basta complete mo lang yung requirements nila at dapat may show money sa banko at certificate of employment ka para hindi sila magduda at alam nilang babalik ka rin dito sa pinas.
Masarap tumira siguro sa Japan, sobrang linis at ang ganda ng mga kalsada at at hindi masakit sa mata. halos lahat ng kanto may stoplight at lahat ng design ng stoplight eh parepareho.
Medyo mahal pagkain pero masarap at malaki rin yung servings. pati halos walang marunong magEnglish buti na lang at nakakaintindi ako ng konting basic na Japanese, kakapanood ng anime
Pero parang malungkot din tumira dun. sobrang tahimik dun sa lugar ng na pinagstay namin, pati halos walang tao sa kalsada. Andaming mong makikitang mga lolo't lola sa daan, pero malalakas pa sila.
Nung first time kong sa express na train, nahilo ako, tumigin kasi ako sa labas ng bintana kasi gusto kong makita yung view, dapat pala sa loob lang ng train ang tingin. Pero kinalaunan eh nasanay na rin ako.
Bihira lang akong makakita ng magagandang haponesa, marami ring panget, pero ang puputi nila. Pati bihira ang mataba, siguro wala pang 5 ang nakita kong sobrang obese.
Matagal pa siguro bago ako makabalik dun ulit, mahal kasi pamasahe pati gusto ko sa Kyoto naman next time pero mas mahal ata dun
![sweat :sweat:](./images/smilies/sweat.gif)
Mas gusto kong kasing makita yung mga province part kesa sa mga city.
Eto magandang basahin on what to expect in Japan, though not 100% accurate:
http://www.cracked.com/article_20118_5- ... japan.html
Loneliness has followed me my whole life. There's no escape. I'm God's lonely man.