Page 19 of 28

Re: rants thread

Posted: Sat Jul 15, 2017 8:08 pm
by Sn@kemaru
bwisit yun ka deal ko kagabi na mag-meet daw kami sa sm north edsa ng 6:30.. dumating ang 6:30, 7:30 walang reply sa text ko at pinapatayan ako ng celphone kapag tinatwagan ko.
Ashley, I wish mo na lang na sana yun susunod na makaka-deal mo ay hindi ka lokohin tulad ng ginawa mo sa akin.

Re: rants thread

Posted: Sat Jul 15, 2017 8:16 pm
by grayfox17
^problemado ka din pala sa buyer pafs? ewan ko ba kung bakit pero parang patanga ng patanga ang mga tao sa araw-araw... :banghead:

Sa kin naman nagpa-reserve pa lang pero hindi pa sarado ang usapan. Usually ang mga sure buyer sila mismo mag aadjust sa conditions ng seller at isang usapan lang close deal agad, areglo na lang sa sched ang pag uusapan.

Pag lumipas ang isang buong araw at walang paramdam yung nagpa-reserve it means sablay to kaya block na kagad sa phone at PM sa kin ang mga yun. Haba na nga ng block list ng phone ko eh.

Re: rants thread

Posted: Sat Jul 15, 2017 9:05 pm
by Sn@kemaru
^ Hindi naman ako madalas maka-encounter ng mga pesteng ka-deal.
Yun kahapon ng gabi kasi ay ako ang may bibilhin sa kanya. Nagkaroon kami ng initial agreement na between 5pm to 6pm meet. Then nung malapit na ang 5pm, tumawad sa akin na 6:30 daw dadating. Aba ang pugitang haliparot ay hindi na nagparamdam after that. Ayoko pa naman pumunta at mag-stay sa SM North ng Friday night dahil ang dami ng tao dun at ang haba ng pila sa sinasakyan ko uv express.

Re: rants thread

Posted: Sat Jul 15, 2017 9:11 pm
by grayfox17
Hassle nga yan pre. Kaya minsan mas gusto ko pang bumili na lang ng bnew para iwas abala na rin sa kin - kesa yung makakamura ka nga sa used items pero ganyan din naman ang dadanasin mo, wala rin.

Re: rants thread

Posted: Sun Jul 16, 2017 4:29 pm
by DarkRushBeat
I don't give a damn what you think of me, kung galit ka sa akin or what. I no longer care, period...Basta ako, i also own this house & i have rules here. Ikaw na lang nakikitulog, ikaw pa galit?

Re: rants thread

Posted: Sun Jul 16, 2017 9:54 pm
by Sn@kemaru
^ Kick him/her out kung nakikitulog na lang ay madaming conditiones.
Or next time hindi na sya pwede makitulog kung hindi sya makakasunod sa patakaran nyo.
Bahay nyo yan, may say ka rin dapat. May agreement kayo ni misis kung ano patakaran. Or pwede pagbigyan mo sya ngayon pero next time, ikaw naman ang masusunod.

Re: rants thread

Posted: Mon Jul 17, 2017 4:30 am
by DarkRushBeat
I already told her, welcome sila ng BFF nya makitulog dun sa guest room namin sa 2nd floor but next time she will also ask my permission. Porke si kumander at ermats nya nagpagawa ng bahay, she will bypass me & my authority? So ngayon yung taong yun, hindi ako pinapansin at iwas sa akin ngayon. Bah...I have to assert my authority rin, after all i will start paying for this house's mortgage soon...

Re: rants thread

Posted: Mon Jul 17, 2017 3:11 pm
by grayfox17
fck...natutukso na naman ako lumustay ng malaki :banghead:

Re: rants thread

Posted: Tue Jul 18, 2017 7:48 pm
by Sn@kemaru
DarkRushBeat wrote: Mon Jul 17, 2017 4:30 am I already told her, welcome sila ng BFF nya makitulog dun sa guest room namin sa 2nd floor but next time she will also ask my permission. Porke si kumander at ermats nya nagpagawa ng bahay, she will bypass me & my authority? So ngayon yung taong yun, hindi ako pinapansin at iwas sa akin ngayon. Bah...I have to assert my authority rin, after all i will start paying for this house's mortgage soon...
I hate to say this pero parang bastusan na yan. Ito naman bff ng kumander mo, wag naman sya umasta na parang isa mo pang kumander.

Re: rants thread

Posted: Tue Jul 18, 2017 9:44 pm
by skp_16

Re: rants thread

Posted: Tue Jul 18, 2017 11:26 pm
by grayfox17
Kung hindi kasi nagkalat ang mga tarantadong taxi driver eh di sana hindi na magrerely ang tao sa mga service na tulad ng uber/grab. Ok lang ako sa dagdag singil sa flag down rate pero mas badtrip ako dun sa mga garapal mamili ng pasahero tapos ganid pa kung maka-kontrata sa bayad. Bihira ako mag taxi mismo and when when I do tapos maayos yung driver, keep the change na kagad sa kanya yun o kaya kung ako na mismo nag volunteer na dagdagan yung bayad. Ano ba naman yung extra 40 pesos para pang miryenda nila sa maghapong trabaho di ba?

I never bothered with uber/grab myself - ni wala nga ko app na ganun sa phone ko. And i'm too lazy to bother with it anway, mas gusto ko pa rin kasi yung aalis ako ng maaga para maka-diskarte sa commute lalo na pag may hinahabol ako na oras sa mga lalakarin ko. Mas time consuming pa kasi yung hahanap ka ng taxi + yung biyahe kumpara dun sa aalis ka na lang ng maaga para hindi pa dagsaan ang tao sa lansangan.

Re: rants thread

Posted: Wed Jul 19, 2017 12:16 am
by darkwing_uop
"saan po ko kayo"?

something something

"dagdagan mo 200, traffic kasi" or "pasensiya po, pa uwi na kasi ako"

@#*$

Re: rants thread

Posted: Wed Jul 19, 2017 4:35 am
by DarkRushBeat
Dati sumakay kami ng ex ko ng taxi from Megamall, nagpahatid lang kami sa Mandaluyong sa kanila. All the time panay ang parinig nung binatang driver na taga Tondo pa raw kasi sya at malayo pa uuwian nya, etc etc...Alam ko na humihirit yun ng dagdag sa metro e..

Paki ko, e di binayaran ko sya ng exact fare mismo, wala sya nagawa.

Re: rants thread

Posted: Wed Jul 19, 2017 12:11 pm
by xgh0st12x
I think almost 2 years na ako almost di nakakasakay ng taxi. It's either mu motorcycle, grab or uber.

Re: rants thread

Posted: Wed Jul 19, 2017 3:11 pm
by grayfox17
one proven way I discovered myself to deter errant taxi drivers from excessive"pangongontrata" is by using this line:

"boss, gamit tayo ng metro at ako na bahala sa dagdag"

Para sa kin, this never fails. And of course, dadagdagan ko naman talaga yung metro pero depende pa rin sa style ni driver sa pagmamaneho. Pag maayos kahit pa 100 (max) ang idagdag ko sa metro nya ok lang sa kin. Lalo na kung bandang lunch time ang byahe. Pero pag medyo hindi ko natripan ugali ni driver tama na yung 20 na dagdag sa kanya.

:lol:

Re: rants thread

Posted: Wed Jul 19, 2017 4:48 pm
by DarkRushBeat
Dagdag ko na lang dito rin yung lagi ko naririnig na "Nasa Bahay Ka Lang Naman" BS kaya madalas maisip na pa easy easy lang ang mga homebased workers...

Image

Re: rants thread

Posted: Thu Jul 20, 2017 3:00 pm
by sic001
Hay pahirapan nanaman umuwi ng 2am pagdating ng July 26. Peede mabiktima ng mga adik sa kalsada, pwede din mabiktima ng holdapper na Taxi driver...

Re: rants thread

Posted: Thu Jul 20, 2017 7:59 pm
by Sn@kemaru
Hindi ako natutuwa sa MRT 7 line na ginagawa sa Regalado Ave dito sa Fairview.
Dati walking distance lang ako mula house papuntang sakayan. From there, pwede na ako mag-jeep, bus or uv express. Isang sakay lang papuntang work ko. Pero simula ng ginawa yun MRT 7 nung April ay napapa-tricycle na ako araw-araw papasok sa work. So everyday nadagdagan ako ng 17 pesos sa transpo papasok pa lang.
At dahil one way lang yun ginawa nila sa Regalado Ave at sumakop ng isang lane pa yun working area nila ay nag-sikip ang kalsada. Kaya yun mga UV express na dumadaan dati sa Regalado ay sa Mindanao Ave na dumadaan. Kaya imbes na isang sakay lang din ako pa-uwi ay kailangan ko pa mag-isang sakay ng jeep pa.
17+8 = 25
25x21 days = 525 pesos in a month ang nadagdag sa transpo expenses ko.
Ok lang sa akin magsakripisyo para sa pag-unlad. Ang kaso, wala naman malapit na MRT station na ilalagay dun sa sinasakyan ko. Hindi ko mapapakinabangan ang MRT 7.

Re: rants thread

Posted: Fri Jul 21, 2017 4:22 am
by DarkRushBeat
^^Hanggang saan ba yan MRT 7 na yan Bro? Last time na umuwi ako sa Fairview, sisimulan pa lang ang construction eh...

@topic

hinding hindi na ko bibili ng pandesal/bonete bread dun sa naka bike na nagpopotpot sa umaga...Never again...Parang luma tinda nya...

Re: rants thread

Posted: Fri Jul 21, 2017 8:40 pm
by Sn@kemaru
^ Mula SM North Edsa hanggang San Jose, Bulacan. Target completion daw nito ay sa April, 2020 pa.
Sana lang din ay mag-road widening dun sa mga dadaanan nitong MRT 7 kasi sasakop sila ng 1-2 lanes na ginagamit noon ng mga land vehicles.
Matagal-tagal pa ang sakripisyo ko.