Page 2 of 28

Re: rants thread

Posted: Thu Sep 22, 2016 3:16 pm
by marcjeff2285
^^agree ako dito hahaha minsan maluwag sa loob tapos me mga nakaharang na pasahero sa pinto eh pagtutulakin ko ba naman mga walang nagawa eh hahaha. ano bang meron sa pinto ng lrt na kelangan nakabantay ka lagi hahaha eh pwede namang lumapit sa pinto pag malapit ka ng bumaba hindi yung sa dulo ka pa ng station bababa eh nakaharang ka agad sa pinto.

Re: rants thread

Posted: Thu Sep 22, 2016 3:19 pm
by marcjeff2285
me rant din ako sa lr2 ilang buwan ng walang aircon yung mga bagon nila. Ok lang sanang walang aircon eh kung nakaopen yun mga bintana eh kaso hindi rin binubuksan nung mga guards eh ang labas tuloy pawisan kang bababa ng tren daig mo pa nagjogging sa sobrang pawis. Ang laki ng tinaas ng pamasahe sa lrt pero yung serbisyo na binibigay nila nadegrade, ano to lokohan??? Sarap pagbabasagin yung bintana nila eh para magkahangin yung tren, kawawa hindi lang yung mga matatanda eh paano kung merong me ashtma sa loob eh di inatake na ng tuluyan sa sobrang init.

Re: rants thread

Posted: Thu Sep 22, 2016 5:08 pm
by Daniel
lumalala na pala ang sitwasyon diyan sa lrt 2 a. dati gandang ganda ako dyan kasi maluwag ang tren, mahaba at makakapasok at labas ka sa magkabilang dulo.

Re: rants thread

Posted: Fri Oct 07, 2016 9:58 pm
by grayfox17
hindi porke may ipagyayabang ka eh magmamayabang ka na. Puro patama at parinig lang alam mo pero pag harapan tumitiklop naman. Mga letcheng animal!

disclaimer: banat ko to sa isang taong nagpapatuloy na nambabadtrip sa kin sa araw araw dito sa min.

Re: rants thread

Posted: Fri Oct 07, 2016 10:42 pm
by DarkRushBeat
Matagal kitain ang pera...Mabilis naman maubos...

Re: rants thread

Posted: Sat Oct 08, 2016 1:06 am
by SirZap
idadaan ko na lang sa isang kwento.

meron isang lalake na panay hingi sa magulang nya. nagka-asawa't anak asa pa rin sa magulang nya. para naman may pakinabang sya pinag-trabaho sa negosyo ng magulang nya. kumpleto sweldo, may gas allowance, sagot kuryente , tubig at isa sa katulong nila. syangapala eversince simula ng pinanganak yung 2 dalawang anak nya sagot ng magulang nya yung birth, baptism, schooling.... ang malupet nito nagkakautang pa.

fast forward, nasara negosyo ng magulang nya so asa na lang saya sa asawa nya. yung isa pinagkakautangan nya ng 20k nabagbayad muna ng hulugan ng 500 per payday, ayun may 18k pang natitira. noong 2011 pa itong utang, nagsara ang negosyo 2014. from thereon 2 years sya pumupunta sa magulang nya na aakalaing mong ko bumibisita at nagangamusta lang. yun pala nanghihingi parati, nag-iistress na yung magulang nya na lagpas na retirement age ay hinihingan pa nya.

out of curiosity tinanong ko yung si lalake kung magkano pamasahe nya mula sa bahay nila papunta dun sa magulang nya. ang sagot ba naman 50 petots. so ibig sabihin 100 balikan. since at least thrice a week syang pumupunta ibig sabihin 300 per week ang pamasahe nya. kinuwenta ko, sa loob ng isang taon may 52 weeks so, 300 x 52 = 15600 petots. 2 years na nyang ginagawa yun, meaning around 30k na rin nagastos nya sa pamasahe. ang tanong ko bakit di nya na lang bayaran na lang yung pinagkakautangan nya ng 18k. siguro naman sa loob ng 2 years bayad na sya....

kayo?... anong sa palagay ninyo? :huh:

Re: rants thread

Posted: Sat Oct 08, 2016 9:04 am
by jmsv
Gusto ko magpapayat! Hindi ko magawa -_-

Re: rants thread

Posted: Sat Oct 08, 2016 12:22 pm
by xgh0st12x
^
^
Guy needs to put a bullet in his own head.
He's a menace to his parents and not worthy to be called Father or Husband. And to top it off, he's a deadbeat.

Re: rants thread

Posted: Sat Oct 08, 2016 2:42 pm
by grayfox17
^^ Gotta hate freeloaders. Which is why you don't raise a kid when you're not financially stable yet.

Re: rants thread

Posted: Sat Oct 08, 2016 3:43 pm
by DarkRushBeat
SirZap wrote:idadaan ko na lang sa isang kwento.

meron isang lalake na panay hingi sa magulang nya. nagka-asawa't anak asa pa rin sa magulang nya. para naman may pakinabang sya pinag-trabaho sa negosyo ng magulang nya. kumpleto sweldo, may gas allowance, sagot kuryente , tubig at isa sa katulong nila. syangapala eversince simula ng pinanganak yung 2 dalawang anak nya sagot ng magulang nya yung birth, baptism, schooling.... ang malupet nito nagkakautang pa.
ay SirZap, i know someone personally na ganitong ganito, actually he's a cousin of mine...As in last employment nya yata is back in 2008 pa...After nun wala na work..

Ngayon 2 anak, asa sa magulang. Ewan ko bakit kunikunsinti ng mga magulang nya yun...And hindi pa nga yata marunong ng gawain bahay eh, gawaing kama lang yata alam...Kaya yung isang pinsan ko panay ang bulong sa akin na "pensionado" daw yun...

Re: rants thread

Posted: Sat Oct 08, 2016 8:03 pm
by grayfox17
#RantFortheNight

Minsan hindi na ko sumasagot pag may kausap ako na ayaw magpatalo kasi wala ring pupuntahan ang diskusyon.

Re: rants thread

Posted: Sat Oct 08, 2016 9:17 pm
by Sn@kemaru
re: rant ni sirzap, sa tingin nyo may pagkukulang din ang magulang sa kinagisnan ng anak nila?

Re: rants thread

Posted: Sat Oct 08, 2016 9:55 pm
by DarkRushBeat
grayfox17 wrote:#RantFortheNight

Minsan hindi na ko sumasagot pag may kausap ako na ayaw magpatalo kasi wala ring pupuntahan ang diskusyon.
I learned this "wisdom" from my kumpare (dating officemate sa last BPO company ko)...Wag patulan ang hindi ka-level..Don't agrue with an idiot, he/she will just bring you down to his/her level..

@regards to SirZap's post (which i also can relate with my cuz's situation)..

Tingin ko meron din pagkakamali magulang..Specially sa case ng pinsan ko..Kalalaking tao, walang trabaho tapos ambilis gumawa ng anak. 1 year lang yata age gap ng 2 anak nya...Nakabukod nga sya sa parents, pero he goes to them daily for their food, expenses, etc...

Ewan ko sa ka-live in nya, pero i heard na yung girl mismo e ayaw sya pagtrabahuhin...Taragis...Ano ka, mayaman?

Re: rants thread

Posted: Sat Oct 08, 2016 11:19 pm
by grayfox17
DarkRushBeat wrote:
grayfox17 wrote:#RantFortheNight

Minsan hindi na ko sumasagot pag may kausap ako na ayaw magpatalo kasi wala ring pupuntahan ang diskusyon.
I learned this "wisdom" from my kumpare (dating officemate sa last BPO company ko)...Wag patulan ang hindi ka-level..Don't agrue with an idiot, he/she will just bring you down to his/her level..
...at kahit patulan mo hindi pa rin sila titigil. Mataas ang toxicity level ng mga ganyang tao, dapat nilalayuan sila ng tuluyan dahil sigurado sira araw mo pag nadikit ka sa kanila. Lalo na dati sa mga pinanggalingan kong call center, di nauubusan ng mga ganitong nilalang, parang buong buhay nila umikot na lang sa sama ng loob. :???: Kadalasan naeencounter kong mga ganyan ay mga single parent - madalas puro hinaing na lang sa buhay ang sinasabi at nag uumapaw sa regrets. Tawag ko sa mga ganyan ay mga "Nega Star." :lol: :sweat:

Re: rants thread

Posted: Tue Oct 11, 2016 3:13 pm
by DarkRushBeat
Hindi ko alam san ko ito ilalagay...


Re: rants thread

Posted: Tue Oct 11, 2016 5:06 pm
by grayfox17
^This is so wrong in many ways. Nakakahiya sa tao. Naka witness ako ng ganito dati sa SG in public, di ko na sasabihin yung lahi pero nasaksihan ko kung pano tadyakan ng lalaki yung syota/asawa nya. Di naman mukhang lasing tapos walang umaawat, kahit yung babae hindi man lang lumalaban. Kahit sa mga naging ex ko (kahit dun sa isa na kups talaga) hindi ako naging ganito ka-brutal, kaya ko lang magtaas ng boses pero murahin ng harapan tapos saktan never ko magagawa sa babae yun.

Tbh, tingin ko may kasalanan din si babae, di naman hahantong yan sa ganyan kung wala... :shock:

Re: rants thread

Posted: Tue Oct 11, 2016 10:17 pm
by Sn@kemaru
^
^ Hindi naman kaya yan yun nang-hostage sa SM Dasma? hehe
Sana si manong driver hininto niya sa pulis or baranggay yun couple.

Re: rants thread

Posted: Fri Oct 14, 2016 4:36 am
by yonsei55
kaw na nga tong hindi nakabasa ng email tapos parang kaw pa tong may ganang manisi?!

Re: rants thread

Posted: Fri Oct 14, 2016 8:36 am
by atabspunk
RANT

Gusto ko nang makaranas ng libreng "unlipop" :evil:

Re: rants thread

Posted: Fri Oct 14, 2016 12:15 pm
by DarkRushBeat
altahi wrote:RANT

Gusto ko nang makaranas ng libreng "unlipop" :evil:
Yaan mo kapag nanalo ako sa lotto Katuks.... :lol: