Page 27 of 34

Re: Heart Attack Thread (Usapang busted, Lovelife, atbp)

Posted: Tue Dec 13, 2016 6:42 pm
by VincH
^haha! lalo na nung nakakatuklas na ako ng mga di magagandang ugali nya, dami kong ginawa na napipilitan na lang ako. laki ng isinaya ko nung nagbalik ang dati kong buhay :lol: nagagawa ko lahat ng mga gusto kong gawin at pwede ulit ako pumunta kahit saan :)

Re: Heart Attack Thread (Usapang busted, Lovelife, atbp)

Posted: Tue Dec 13, 2016 6:55 pm
by grayfox17
^mas masaya pa kamo yung ikaw makikipaghiwalay kasi sya yung may mali, ang gaan sa pakiramdam at walang regrets. Para kang nabunutan ng sangkaterbang tinik at para ka rin nakawala sa koral kasi di ka magkamayaw sa kung anong unang gagawin mo after break up like kung gagala ka ba o gigimik o magsya-syaping haha.... :lol:

Re: Heart Attack Thread (Usapang busted, Lovelife, atbp)

Posted: Tue Dec 13, 2016 7:22 pm
by VincH
^haha hindi ko nga mabilang kung ilang beses ko na sinubukang makipaghiwalay ng personal :lol: kaso madali ako madaan sa mga drama eh naaawa kasi ako pag nakita kong umiiyak :facepalm: after ilang weeks hindi pa din nya mabago ugali nya hanggang nag decide ako na thru phone na lang makipag hiwalay, ayun natuloy din. laking ginhawa talaga naramdaman ko nung mga time na yun. excited talaga ako matapos ang gabing yun kasi maibabalik ko na ang dati kong buhay. :D

Re: Heart Attack Thread (Usapang busted, Lovelife, atbp)

Posted: Tue Dec 13, 2016 7:32 pm
by grayfox17
^ganun din gawa ko, thru txt ang closure para lang mabilisan na. Aabot ka kasi sa point na para kang naaalibadbaran na lang tuwing kasama sya, ni ayaw mo na makita mukha nya at parang mas magaan pakiramdam mo pag mag isa ka lang kaya dun mo masasabi sa sarili mo na magandang tapusin na lang. hehe...para ka pang bumalik sa pagkabata kamo... :lol: :sweat:

Re: Heart Attack Thread (Usapang busted, Lovelife, atbp)

Posted: Tue Dec 13, 2016 7:45 pm
by DarkRushBeat
Ako via email & Friendster naman nakipagkalas sa last ex gf (hindi si Kumander)...

Re: Heart Attack Thread (Usapang busted, Lovelife, atbp)

Posted: Tue Dec 13, 2016 7:58 pm
by grayfox17
at bago ako nakipagkalas din sa mga naging ex ko, I make sure na lagi ako may makukuhang souvenir from them....remembrance na pwedeng amuy-amuyin :sweat: :lol:

Re: Heart Attack Thread (Usapang busted, Lovelife, atbp)

Posted: Tue Dec 13, 2016 9:25 pm
by summer_fox
Naging singol but happy thread na to, wahahaha

Re: Heart Attack Thread (Usapang busted, Lovelife, atbp)

Posted: Wed Dec 14, 2016 12:10 am
by Seraph011
Haha oo nga... pero baka naman kasi most of the single guys here who were in previous relationships were just with the wrong person. Don't get me wrong, there's nothing wrong with being single but tingin ko din is there's a certain fullfillment that you get when you are with someone or you have your own family. :)

Re: Heart Attack Thread (Usapang busted, Lovelife, atbp)

Posted: Wed Dec 14, 2016 12:54 am
by grayfox17
^i used to think like this before pero seeing what's going on with most people i know when they settled down sabi ko sa sarili ko "hell naw!" :sweat: sa umpisa oo andun yung parang achievement na you've accomplished a life achievement pero later on ewan ko na lang kung masabi mo pa yun...

Re: Heart Attack Thread (Usapang busted, Lovelife, atbp)

Posted: Wed Dec 14, 2016 2:19 am
by Seraph011
Been married for 4 years, been with my wife for 8 years, we have a 4 year old and we have a baby girl coming in 2 weeks...i can honestly say that i'm happy. Oo, i have to give up on some things lalo na time for myself pero maliit lang yun sa kung ano naman meron ako ngayon. :)

Re: Heart Attack Thread (Usapang busted, Lovelife, atbp)

Posted: Thu Dec 15, 2016 8:52 am
by VincH
^ nice. mukhang tama ka. nataon na napunta kami sa mga maling partners. :sweat:

pinagsisihan ko yung mga nangyari sakin pero dami ko namang natutunan.

ang weird ko ngayon. may mga pinapakilala sa akin at gusto ako i setup sa date pero ayoko :sweat: :lol:

Re: Heart Attack Thread (Usapang busted, Lovelife, atbp)

Posted: Thu Dec 15, 2016 3:31 pm
by grayfox17
takte ako nga gusto na ko i-fix marriage ng tita ko at ermats ko eh :sweat: nagpapahanap ba naman sa hawaii ng mapapangasawa ko daw? sabi ko kako mahirap yan, baka mamya sablay pa yung mapakilala sa kin, exception na lang siguro pag sobrang hot nung girl hehehe...

Re: Heart Attack Thread (Usapang busted, Lovelife, atbp)

Posted: Thu Dec 15, 2016 3:45 pm
by Daniel
kung brazillian?

Re: Heart Attack Thread (Usapang busted, Lovelife, atbp)

Posted: Thu Dec 15, 2016 4:01 pm
by grayfox17
ok ako sa brazilian, ilan na naging models ko nyan sa photography at sobrang hot ng mga yan... exotic ang ganda nila. Kahit pa medyo sakang maglakad pero sa mukha at katawan bawing bawi. Sa taste ko, walang binatbat ang mga pinay hehe... :agree:

Re: Heart Attack Thread (Usapang busted, Lovelife, atbp)

Posted: Fri Dec 16, 2016 4:59 pm
by summer_fox
grayfox17 wrote:ok ako sa brazilian, ilan na naging models ko nyan sa photography at sobrang hot ng mga yan... exotic ang ganda nila. Kahit pa medyo sakang maglakad pero sa mukha at katawan bawing bawi. Sa taste ko, walang binatbat ang mga pinay hehe... :agree:
Sample photos sir... kumbaga, pics or it didn't happen. Haha

Re: Heart Attack Thread (Usapang busted, Lovelife, atbp)

Posted: Fri Dec 16, 2016 5:24 pm
by Daniel
ibang klaseng heart attack ito :lol:

Re: Heart Attack Thread (Usapang busted, Lovelife, atbp)

Posted: Fri Dec 16, 2016 6:22 pm
by grayfox17
summer_fox wrote:
grayfox17 wrote:ok ako sa brazilian, ilan na naging models ko nyan sa photography at sobrang hot ng mga yan... exotic ang ganda nila. Kahit pa medyo sakang maglakad pero sa mukha at katawan bawing bawi. Sa taste ko, walang binatbat ang mga pinay hehe... :agree:
Sample photos sir... kumbaga, pics or it didn't happen. Haha
sus, yun lang pala eh... pero ipopost ko lang yung panget na tira ko, ayoko ilabas yung magagandang kuha ko sa kanya, baka madekwat eh hehe... meron pa ko ibang naging model na brazilian pero hindi ako nagagandahan sa kanila. Eto yung pinaka maganda sa mga naging model ko noon. :sweat: Professional model to at naka-tie up talaga sa agency. Eto profile nya - http://lotusmodels.com.br/model/dane-mendes/

Image

Re: Heart Attack Thread (Usapang busted, Lovelife, atbp)

Posted: Fri Dec 16, 2016 6:26 pm
by VincH
lumakas ang kabog ng dibdib ko. ibang klaseng heart attack nga :bigmouth:

Re: Heart Attack Thread (Usapang busted, Lovelife, atbp)

Posted: Fri Dec 16, 2016 9:49 pm
by Sn@kemaru
@grayfox: hindi mo ba pwede patusin yan nasa picture? or hindi mo type? hehe

Share ko lang, sorry kung na-share ko na ito noon.. don't remember. :sweat:
Fresh college graduate ako noon. Gusto ako ipa-arrange marriage ng tita ko sa US sa isang Pinay na US-citizen na.. para daw mas madali ako makapunta sa US at maging US citizen daw. Sabi ng tita ko, dapat magsasama daw kami nung girl sa isang bahay at mag-act na mukhang natural na mag-asawa. Sabi niya malay ko daw baka magka-sundo kami at ma-in love sa isa't-isa. Pwede naman daw kami mag-divorce once ma-legitimize yun citizenship ko.
Medyo interested ako noon sa prospect na makapunta sa US.. pero kung pinay lang din ang mapapangasawa ko, no. I target ko pa naman noon ay either Haponesa or blondie.
... while during those times ay may ka-online relasyon ako. A nice lass from Belgium. Hindi naman sya masyadong maganda. Siguro normal na beauty lang yun sa kanila. I think the feelings were real then. Siya yun tumatawag sa akin kahit long distance. Every occasion may padala sya sa akin gift (kahit ako walang mapadala sa kanya kungdi isang love letter lang).
Almost every night videocall kami or chat lang. She showed me her *everything*. Ang tanga-tanga ko nung na-virus yun PC ko at na-corrupt/unrecoverable yun ibang files ko,, including her folder. hindi ko man lang kasi naisip na mag-back-up. :banghead:
Tumagal yun online relationship namin ng mga 2 years din. Gusto niya ako pumunta sa Belgium para itakas sya sa father nya at dalhin ko sya dito sa Pinas. Wala pa ako ipon noon kaya pilit ko i-delay yun pagpunta sa Belgium.
Until dumating yun panahon na may naka-singit sa relasyon namin. May nanligaw sa kanya dun na isang kuwaiti.
Iniyakan ko yun.. kahit ba na online relationship lang.

Sa ngayon, friends kami sa FB. May asawa at anak na rin siya (hindi yun kuwaiti ang naka-tuluyan niya, Belgian din).

Re: Heart Attack Thread (Usapang busted, Lovelife, atbp)

Posted: Fri Dec 16, 2016 9:55 pm
by grayfox17
Sn@kemaru wrote:@grayfox: hindi mo ba pwede patusin yan nasa picture? or hindi mo type? hehe
Anak ng.. sa gandang yan sinong hindi magkaka-gusto dyan?! :lol: plano ko sana noon pero mukhang mahigpit yung organizer ng shoot, baka maapektuhan pa yung career nya that time sa SG. :sweat: Nakakatawa pa, yung venue ng shoot na yan is beachfront tapos sobrang tirik ang araw (10AM), after ng shoot diretso kaming mga photog para magbanlaw ng mga buhangin sa binti at di ko namalayan nauna na pala sya dun sa open shower area na katabing katabi lang kung san ako nagbabanlaw - grabe makatitig etong model pre habang nagshoshower ... mga isang minuto din ako nakipag eye contact :shock: :shock: :oops: :oops: mabubuhay talaga lahat ng pinakatatago mong ugat sa katawan. :rofl: Ako na lang nahiya at umalis agad, naalala ko may work pa pala ako ng hapon na yun hehe...