Dumaan din ako sa "love is blind" na yan, yung tipong di mo alintana ang pagod at gastos kasi ang habol mo mapasaya yung labs mo. Wala kang paki sa abala kasi mahalaga nakikita mo syang happy at appreciative sa efforts mo. Ako kasi maaga ako natauhan sa ganyan, or lets just say, nagsawa na kasi parang lumalabas lugi ako bilang lalake pagdating sa effort at gastos.
I know hindi maganda tingnan yung magbilang ng mga nagawa para sa ibang tao lalo na pagdating sa mga material na bagay pero para sa kin saving grace ko yung pagbibilang at comparison especially when it comes to effort. Mapapa-isip ka din talaga kasi dadating sa punto na makakaramdam ka na lang bigla ng pagod at pananawa tapos marerealize mo na sa dami ng nagawa mo sa taong yun kung may kahihinatnan pa ba yung mga ginagawa mo o wala na.
Naisip ko din tumatanda na rin ako so napag isip isip din ako sa mga bagay-bagay for long term commitments with my girl that time. Yung tipong tatanungin mo sarili mo kung worth it pa ba o hindi na, mga ganun ba? At yun nga dun ko napansin na magiging problema ko erpats nya at isang kapatid nya kaya sabi ko sa sarili ko putulin ko na to habang maaga. May mga issues na rin ako with my ex that time, mainly, mas inuuna pa lapitan at pakinggan ang kaibigan about sa mga issues na kaming dalawa lang dapat ang nakakaalam. Nakaka badtrip lang kasi involved pa yung ibang taong hindi naman dapat masali sa usapan. Andyan yung kokomprontahin pa ko ng bespren nya nung minsang nag cool off kami tapos kung ano-anong threat ang sasabihin sa kin pero hindi naman sya dapat makialam sa min in the first place.
Isa yun sa mga factors kaya mas napadali sa kin ang magdecide na kumalas. Aanhin mo nga naman yung mabait at maalagang syota kung mapepeste ka naman sa mga tao sa naka-paligid sa kanya lalo na ng mga magiging in-laws mo di ba? unavoidable yun eh. Kaya inunti-unti ko makipag hiwalay, puro cool off muna na umaabot ng more than 1 month kasama na yung madalang na pagtetext at date tapos may time din na dumalaw sa SG yung parents nya ng 1 week para mag turista pero ni isang beses hindi ako nagpakita sa mga yun. Then sa text ako nakipag hiwalay. Naisip ko maigi nang putulin ko na ugnayan naming dalawa kesa patatagalin pa, ayoko lang umabot sa point na masasabi ko sa sarili ko na "nasa huli ang pagsisisi."