Heart Attack Thread (Usapang busted, Lovelife, atbp)

Talk about things other than video games. What are your other hobbies? What's your favorite TV show? Are you into sports. Any recommended restaurants? Do you travel?
Post Reply
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

^ano lahi brad? Tingin ko friendly lang yan. Wag mag assume lalo na kung ibang lahi yan. Kamuntik muntikan din ako nyan dati pero pinigilan ko lang sarili ko hehe...

Kung ibang lahi yan pre ingat na lang ng konti sa pag diskarte. Baka ma-blind item ka pa sa stomp ng di oras. Tandaan, mas importante ang work pass kesa lablayp :sweat:
**** ****!
User avatar
javaChip56
Rayman
Rayman
Posts: 508
Joined: Thu Sep 04, 2008 12:33 pm
PSN ID: javaChip0220
Location: Rivervale Crescent

^ paps, eto parin yung lokal na office mate ko.. :sweat:

ito ang take-away ko sa reply mo papi..
mas importante ang work pass kesa lablayp
:D
Image
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

haha...in perness brad, naafford nyo mag date sa may fullerton ha? balita ko mamahalin daw mga bar sa area ng city hall hanggang raffles, overlooking the merlion ba yan? :lol:

Pero seryoso pre, di kita pipigilan dumiskarte pero wag na wag ka lang mag assume lalo pa't pareho kayo nakainom. She's just being friendly lang talaga at baka curious lang sya na makilala ka. Kahit na sabihin mong may pagka-liberated sila wag mo pangungunahan. Yung iba kasi sa mga yan nakikipag kilala lang sa mga tulad natin para makasagap ng info or pag meron lang kailangan syo.

Malalaman mo naman agad kung may something sya syo sa flow pa lang ng usapan nyo pag kayong dalawa lang.
**** ****!
User avatar
Sn@kemaru
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 8188
Joined: Mon May 24, 2010 4:58 pm
PSN ID: Snakemaru
Location: Quezon City
Contact:

^^ Yun din sana ang itatanong ko... ano nga ba ang mga napag-usapan nyo, papi javachip? hehehe
lovelife, relationship, heart attack thread, work lang, tungkol sa side lang niya, etc.?
Baka naman habol lang niya ay magpalibre sa iyo? hehe

Pwede din kasi interested siya sa iyo, in a way kung ano man level ng interest nya.
I mean, bakit naman siya mag-initiate mag-aya na uminom kayo, mag-hang out kayo kung wala siya interest sa iyo?
Siguro gusto ka pa nya makikala ng mas mabuti sa personal.
When you reached out for her hand to assist her in getting up.. baka may na-notice siya sa iyo na awkward ka rin?
Or baka kasi naka-inom na kayo or may tama na sya at baka magbigay ng ibang signal sa iyo.
She might be interested to you but not to the point of spending the rest of the evening till morning in bed.. well, at least not yet pa siguro. malay natin.

After that, may contact na ba ulit kayo? kamusta ang mood kapag magka-usap kayo? nagkaka-ilangan na ba kayo?
At ang pinaka-importanteng tanong ay: both of you are single and available ba?
Image
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

^tsismoso neto oh! :lol: pero di nga, we need the whole story...especially the details. And don't miss out anything lor... :sweat: :lol:

eto sa kin lang, duda ko talaga may ibang motibo si girl kay guy, kasi madalas sa SG yung lokal na lalake nakakapag asawa o syota ng foreigner na babae. Common sight eto dun. Can't really blame them, mas malayo ang stepping stone mo pag ganun ang ginawa mo. And kung sswertihin si babae, all the way committed si lokal guy sa kanya hanggang sa maging PR sya or citizen. May iba nga would go as far as magpa buntis sa lokal na guy para pag napanagutan ni lalake si girl, more or less guaranteed na yung PR ng nanay at ng bata or if not, atleast kahit yung long term stay AT financial support lang. Gustong gusto din kasi ng mga lokal guys ang mga foreigner girls tulad ng mga pinay sa pagiging alagain nila at malambing, hindi nila nakagisnan masyado ang ganung ugali tapos bihira din kasi ang mga ganung klaseng babae sa SG kaya once nakatsamba sila ng pinay na ganun ang ugali, tinutuluyan na din nila.

Pero yung scenario na si foreigner na guy na magkaka syota ng lokal na babae medyo uncommon naman. I've seen and heard some PERO hanggang mag syota lang sila at hindi nauuwi sa kasalan. Like I said, iba ang ugali ng mga babaeng lokal sa SG, more often than not, materialistic sila. At medyo mahirap yun sa kalagayan ng foreigner na lalake considering budget lang ang pera nila.
**** ****!
User avatar
javaChip56
Rayman
Rayman
Posts: 508
Joined: Thu Sep 04, 2008 12:33 pm
PSN ID: javaChip0220
Location: Rivervale Crescent

@grayfox @Sn@kemaru
hindi naman ganun ka-mahal sir.. saka mukhang hindi libre ang habol nya, kasi ang gusto nya split ang bill (obvious na hindi date..hehe)..

nagparinig na pupunta daw sya ng Starker (bar nanaman) mag-isa..ngayon, on a Tuesday?!
She never goes drinking alone.. Curious nga sya kung pano ko daw nagagawa uminom mag-isa..

Syempre, sasamahan ko.. :mrgreen:

balitaan ko kayo guys..
Image
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

.... aaannnd he's gone. :shock:

pre, split bill yan so technically, its just hanging out. No more, no less. But then again, pag may alak, siguradong may balak... :lol:
**** ****!
User avatar
darkwing_uop
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 23925
Joined: Wed Mar 14, 2007 12:53 am
PSN ID: darkwing75
Location: Cebu

it looks like a friendly date to me, a date can be just that, nothing more, just like between friends

don't force things , let it happen naturally if you are really interested, otherwise oh boy
User avatar
javaChip56
Rayman
Rayman
Posts: 508
Joined: Thu Sep 04, 2008 12:33 pm
PSN ID: javaChip0220
Location: Rivervale Crescent

Balita mga papi..
Eto kausap ko parin sya sa whatsapp..
Ang madalas na pinaguusapan namin, kung ano-ano lang.. buhay-buhay, family, hobbies, anong nangyari last weekend, last week.. pero saming dalawa parang sya yung mas marami nakukuwento..

@darkwing
Siguro ito na nga lang ang mas maiging gawin.. hayaan ko nalang kung ano mangyayari.. Meanwhile, I'll keep myself busy with other things..
Image
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

^so parang mas ngkkwento lang sya more about herself at hindi yung tipong parang gusto ka kilalanin? Wala brad, naghahanap lang ng kausap yan...
**** ****!
User avatar
javaChip56
Rayman
Rayman
Posts: 508
Joined: Thu Sep 04, 2008 12:33 pm
PSN ID: javaChip0220
Location: Rivervale Crescent

grayfox17 wrote:^so parang mas ngkkwento lang sya more about herself at hindi yung tipong parang gusto ka kilalanin? Wala brad, naghahanap lang ng kausap yan...
Haha! Hindi naman.. usapan naman ng normal na tao.. kahit anong topic then kung ano tingin nya or tingin ko dun sa topic na yun.. pero sya yung mas nagllead ng usapan (mahina kasi ako sa communications)..

Pero siguro nga, naghahanap lang din sya ng makakausap.. I'll look at it this way, para at least hindi ako umasa..

@Sn@ke
Hindi ko pala nasagot to sir..

both of you are single and available ba?
Yup! Though I'm not sure how long she has been single.. So far, hindi pa napunta usapan namin about exes.. :sweat:
Last edited by javaChip56 on Wed Jan 04, 2017 10:11 am, edited 1 time in total.
Image
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Ingat lang sa pagsagot sa mga tanong nya brad lalo na kung ang tema eh patungkol sa mga foreigners in general. Kung tutuusin madali pa nga basahin ugali ng mga yan kasi sa exp ko, hindi sila basta basta nakikipag friendly sa mga dayuhan ng walang dahilan. At kahit na anong mangyari, wag ka magbibigay ng personal info muna, barberuhin mo lang. Hindi mo masabi baka mamya kasarapan ng inuman at usapan nyo bigla mo na pala nabigay FIN number mo ng di mo namamalayan haha...
**** ****!
User avatar
javaChip56
Rayman
Rayman
Posts: 508
Joined: Thu Sep 04, 2008 12:33 pm
PSN ID: javaChip0220
Location: Rivervale Crescent

Hindi naman sya hostile towards foreigners.. Hehe..
Image
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Teka, wala bang pics yang dinidiskartehan mo? Lagay ka naman dito nung hindi naka makeup para ma-assess din namin para syu... :sweat:
**** ****!
User avatar
javaChip56
Rayman
Rayman
Posts: 508
Joined: Thu Sep 04, 2008 12:33 pm
PSN ID: javaChip0220
Location: Rivervale Crescent

Haha! Mahirap na paps, madaming spam accounts dito sa PPS.. baka makuha pa at ikalat.. :sweat:
Image
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Pm mu sa ken hehe....
**** ****!
User avatar
Sn@kemaru
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 8188
Joined: Mon May 24, 2010 4:58 pm
PSN ID: Snakemaru
Location: Quezon City
Contact:

^ At talagang pinipilit makakuha ng pic eh. hehe (psst.... share din sa akin ha) hahaha

@javachip: as in usap-usap lang kayo?

Share ko lang similar experience ko noon.
Naalala ko na naman yun barkada/crush/bestfriend ko nun college days ko.
tatawagan ako nya ng gabi para magkwento lang kung ano-ano.. hanggang madaling araw.. umabot kami ng ilang weeks na panay ang tawag niya to the point na nag-isip ako na baka may gusto sya mangyari sa amin. Nung nagtanong ako sa kanya na kung pwede ko ba sya ligawan, sabi niya bestfriend lang daw tingin niya sa akin kaya ganun sya sa akin. *ouch*. after that, parang naging awkward ako sa kanya.. kasi napahiya ako, nagkamali ako ng hinala. sya naman nun nahalata nya na naging awkward ako, medyo dumistansya na sya. from bestfriendzoned to friendzoned na lang. :sweat:
nagsisi rin ako dahil mukhang ako ang sumira ng maganda sana naman pagsasama. hindi ko nga akalain na bestfriend na pala ang tingin niya sa akin noon. manhid kasi ako. :sweat:
Image
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Haha...yan kase ang hihilig magsipag assume ayan tuloy mga napala nyo. Tsaka nag share na ko pic ng model ko kaya dapat kyu ren! Hahaha...
**** ****!
User avatar
javaChip56
Rayman
Rayman
Posts: 508
Joined: Thu Sep 04, 2008 12:33 pm
PSN ID: javaChip0220
Location: Rivervale Crescent

Haha! Masamang habit talaga yung pag-assume..
I'll jist ask her out on a proper date para malinaw ang intensions ko.. If she says "No", then at least malinaw na rin sakin..

And about sa photos, hindi kasi celebrity yung dinidiskartehan ko, so I can't just share photos of her to random people online.. Why would anyone do that exactly? :sweat:
Image
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

So we can advise accordingly. Hehe... Pero joking aside, wag mo biglain hindi sila sanay sa ganyan. Ginawa ng room mate ko dati yun tapos siniraan agad sya sa ibang staff nila. Malas nya kasi sya lang foreigner sa kanila, umabot pa sa point na kinuwestyon pa sya ng hr about it. Kamuntik muntikan pa sya hindi marenew. Basta brad ingat lang sa pag approach.
**** ****!
Post Reply